Tagatangkilik ng USTe nag-alsa balutan na rin
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
KATULAD ng ibang nagpulasang mga tigre ng University of Santo Tomas men’s basketball team, umalpas na rin tagasuportang Ironcon Builders para sa Growling Tigers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Hindi na magkakaloob ng tulong sa koponan ang kompanya dahil sa pagbibitiw na ni coach Aldin Ayo na binabagan ng indefinite suspension ng liga at maging ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) dahil sa team bubble training sa Casuy, Sorosogon sa gitna ng lockdown sanhi ng Covid-19.
Nawasak na ring tuluyan ang Espana-based squad matapos lumundag sina Mark Nonoy at Deo Cuajao patungong De La Salle University Green Archers na kaliga ng mga tigre.
Unang mga umeskapo si Crispin John Cansino patungong University of the Philippines Fighting Maroons sa UAAP di, habang sina Ira Bataller, Brent Paraiso at Rhenz Abando nagpunta sa Colegio de San Juan de Letran ng NCAA.
Ninong ng USTe ang Ironcon Builders sa 2019-20 UAAP Season 82 at sa 9th PBA D-League 2019. (REC)
-
Turista kailangang magpakita ng negative COVID-19 test results
Kailangan muling magpakita ng negatibong COVID-19 test results ng mga turista bago makapasok sa destinasyong probinsya dahil sa hindi pa nakapagpapalabas ng pinal na polisiya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ukol sa mga ‘fully-vaccinated’ na. Kabaligtaran ito ng unang inihayag ng pamahalaan na kailangan na lamang ipakita ang ‘vaccination […]
-
13-M NA PAMILYA NABIYAYAYAN NA NG 2ND TRANCHE NG SAP
UMABOT na sa mahigit 13.59 milyong pamilya nag naka tanggap ng ayudang P6,000-P8,000 sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP). Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nasa 13,598,020 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid. Dahil dito, aabot na sa P81.4 bilyon ang nailabas ng DSWD para […]
-
Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra
COVID-19 LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,728 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021. […]