• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taguig City ikinagalak ang pahayag ni Makati City Mayor Abby Binay na nirerespeto nito ang desisyon ng SC

IKINAGALAK ng pamahalaang lokal ng Taguig sa naging pahayag ni Makati City Mayor Abby Binay na kanilang nirerespeto ang naging desisyon ng Supreme Court na isalin o ilipat ang jurisdiction ng 10 barangay’s ng Makati patungong Taguig City.

 

 

Siniguro naman ng Taguig City government na makikipag tulungan sila sa Makati City government para sa isang maayos na transition.

 

 

Matapos ang ilang taong pagtatalo kaugnay sa jurisdiction ng mga lugar, tinanggap na rin ng Makati ang hatol ng Korte Suprema.

 

 

Ginawa ni Mayor Abby Binay ang kaniyang pahayag matapos tinanggihan ng Supreme Court ang omnibus motion ng Makati kung saan hinihingi nito na payagan sila maghain ng second motion for reconsideration.

 

 

Bago ang pinakahuling resolusyon na inilabas noong June 2023, tinanggihan na ng Korte Suprema noong Setyembre 2022 ang unang motion for reconsideration. (Daris Jose)

Other News
  • Salceda, hindi hihingin ang pagbibitiw ng Tourism secretary

    ITO ANG tinuring ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay) kasunod na rin sa mga panawagan na magbitiw sa puwesto si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco bunsod na rin sa naging kapalpakan sa launching ng bagong campaign video ng ahensiya.     Sa halip aniya ay dapat pagtuunan ng pansin ang gagawing hakbang […]

  • 2nd contempt order kay Cassandra Ong binawi na ng Quad Comm

      BINAWI na ng Quad committee ng House of Representative ang ikalawang contempt order laban kay Cassandra Ong.       Kasama rin na binawi ang paglagak sa kaniya sa Women’s Correctional sa lungsod ng Mandaluyong.     Ito ay matapos na pumayag na rin si Ong na pirmahan ang waiver para masilip ng Anti […]

  • Bigas, mas magiging mura ng P5 kada kilo na may tapyas sa taripa -Recto

    IGINIIT ni Finance Secretary Ralph Recto na ang bagong polisiya ng gobyerno sa pagbabawas sa taripa sa imported rice ay maaaring makapagpababa sa retail price ng bigas ng P5 kada kilo.     “This, in turn, could ease inflation further,” ayon kay Recto.     Sa pagsasalita sa Economic Forum na inorganisa ng Economic Journalists […]