TAGUIG, UNANG SIYUDAD SA NCR NA MAY LISENSYADONG HEALTH CENTERS BILANG PRIMARY CARE FACILITIES
- Published on July 27, 2022
- by @peoplesbalita
NAUNA ang dalawang Health Centers sa Lungsod ng Taguig ang nabigyan ng license to operate bilang Primary Care Facilities (PCF) ng Department of Health (DOH).
Ang Calzada Health Center at Hagonoy Health Center ay may licensed to operate hanggang December 31, 2024 alinsunod sa Administrative Order No. 2020-0047 na sumasakop sa lahat ng pampubliko at pribadong PCFs, maliban sa outpatient department ng mga ospital at infirmaries.
Layunin ng PCFs na magbigay ng pangunahin at patuloy na aruga at pangangalaga sa mga pasyente gamit ang komprehensibo at coordinated na serbisyong medikal.
Ang paggawad ng lisensya sa PFCs ay kailangan upang matugunan at maisakatuparan ang layunin ng Universal Health Care (UHC) Act. Tinitiyak ng lisensiya na ang PCF ay madaling mapuntahan, abot-kaya ang halaga, ligtas sa bawat mamamayan, at nagtataglay ng pinakamataas na kalidad sa pagbibigay ng pangangalaga at benepisyong kalusugan sa mga tao.
Iniaatas ng Universal Health Care Law na ang lahat ng Filipino ay agad na maging miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa ilalim ng batas na ito, may karapatan ng bawat mamamayan na tumanggap ng mga benepisyong pangkalusugan. Layunin din nito na pag-isahin ang provincial health systems at nakagawa ng multi-sectoral policy action.
Ipinaalala naman ni Mayor Lani Cayetano na isa sa mga layunin ng kanyang administrasyon ang ipagpatuloy ang pagpapalawak ng pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa lungsod.
“Naniniwala kami na upang maging angkop ang lokal na pamahalaan sa mabilis na pagbabago ng ating komunidad, kailangan nating masiguro ang magandang kalusugan ng ating mamamayan at kanilang kapaligiran. Ang kalusugan ay mahalaga upang gumana ng maayos at normal ang ating lipunan, kaya naman kailangan nating ipagpatuloy ang pagbalangkas ng mga epektibong programa para sa ating mga kababayan sa lungsod ng Taguig,” wika ni Mayor Lani. (Gene Adsuara)
-
TARGET NA 1 MILYON LIBRENG FACEMASK NAKAMIT NA NG MANILA LGU
NAABOT na ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang paggawa ng 1 milyon target na face mask na ipinamahagi ng libre sa mga residente ng lungsod. Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na magdadagdag pa ng panibagong 500,000 na face mask upang maipamahagi pa sa mas maraming Manilenyo. Matatandaan na nagsimula […]
-
Mga rehiyon na may mataas na Covid-19 vaccine coverage dapat na tutukan ang pagbibigay ng booster shots —Galvez
KAILANGANG tutukan ng mga rehiyon na may mataas na COVID-19 vaccine coverage ang pagbibigay ng booster shots. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na 12 mula sa 17 rehiyon ng bansa ay maaari nang ikunsidera na mayroong mataas […]
-
Katuwang na sa paghahanap ng pondo: VILMA, mas na-appreciate ang nagawang movies na ni-restore
KAHIT na masama ang pakiramdam ay hindi binigo ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto ang mga estudyante ng Senior High School ng UST. Punum-puno ang auditorium ng Blessed Pier Giorgio Frassati ng mga Senior High students ng UST na maaga pa lang ay nagtiyagang pumila para manood ng film showing and talk back ng […]