Takbuhan sa mga kalsada malabo pang makabalik
- Published on July 14, 2021
- by @peoplesbalita
Extended pa ang General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region (NCR) Plus kasama ang Laguna at Cavite sa ilalim ng ‘heightened restrictions’ hanggang Hulyo 15.
Base iyan sa huling pahayag ng Malacañang Palace.
Nangangahulugan din itong malabo pa rin talagang makabalik ang road racing o mga patakbo sa mga lansangan sa mga nasabing lugar sa bansa, lalo na sa mga nabanggit na lugar.
Pananaw rin ito ng kaibigan kong si Severino ‘Ben’ Alacar ng Without Limits, organizer ng running at cycling sa loob at labas NCR.
Maging ng ilan pang opisyal ng running community sa Metro Manila.
Mabuti naman at makakabalik na ang 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Biyernes sa Ynares Sports Arena sa Pasig at ang Premier Volleyball League sa Sabado sa Ilocos Norte.
Kaya kagaya ng kapwa ko marathoners/runners, tiyaga-tiyaga na lang muna ako sa ehersisyo sa backyard at jog-run sa aming Barangay para maging malusog pa rin at makaiwas COVID-19.
Nakasawa rin ang ganitong routine, pero kung may disiplina tayo, sipag at tiyaga makakaya natin. Kahit 2-3 a week puwede para lang mapanatili ang ating sigla at makaiwas sa pagtaba.
Patuloy lang din tayong manalangin sa Itaas at maging positibo sa buhay bawat araw. Pasasaan ba’t matatapos din ang pandemyang iyan. May awa ang Diyos. (REC)
-
TUGADE: AYUDA SA MGA TSUPER, ISINUSULONG NG DOTR, LTFRB
Imbes na direktang pagtataas ng pamasahe na makaka-apekto sa higit na nakararaming pasahero, isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng ayuda sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng pandemya. Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, itinutulak ng DOTr at LTFRB ang […]
-
Metro Manila bike lane network binuksan
Binuksan noong nakaraang Martes ng Department of Transportation (DOTr) ang P801.83 million na bicycle lane network sa Metro Manila na siyang huling bahagi ng 497-kilometer nationwide bike lane network na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “Today marks the end of the long wait of cyclists for safe and quality […]
-
Chinese envoy dumalo sa Vin D’Honneur sa Malakanyang
DUMALO sa tradisyunal na Vin D’Honneur si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian ngayong araw sa Palasyo ng Malakanyang. Sa tuwing ipinagdiriwang ng bansa ang araw ng kalayaan, isinasagawa ang pagtitipon kung saan dumadalo dito ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang diplomatic corps community. Makikitang nagkaroon […]