Take-over diumano ng Grab sa Move It bilang accredited motorcycle-taxi service provider dapat imbestigahan ng TWG
- Published on September 13, 2022
- by @peoplesbalita
APAT na Transport-Commuters Advocates, kabilang na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang nanawagan sa Technical Working Group (TWG) ng pilot test ng motorcycle taxi operation na imbestigahan ang diumano ay pagbenta ng MOVE IT sa Grab upang ang huli ay makapasok sa PILOT TEST ng motorcycle taxis. Matatandaan na tatlo ang binigyan ng accreditation ng TWG na binuo ng DoTR para mamasada bilang motorcycle taxis – Angkas, Joyride at Move It – habang wala pang batas. Marami ang nag apply for accreditation pero tatlo lang ang binigyan ng accreditation. Pero ang balita ay “ibinenta” na ng Move It ang kumpanya nila sa Grab.
Mariing itinanggi naman ito ng Move It. Sa isang statement sinabi nila na nananatili silang isang accredited company ng TWG at walang takeover ng Grab na naganap. Pero ano mang tanggi ng Move It ay kailangan nang magpulong ang TWG upang imbestigahan ito.
Imposibleng hindi interesado ang Grab na pumasok sa Pilot Test. Dahil ayon kay Ariel Lim ng National Public Transport Coalition at member ng TWG ay nag- apply noon ang Grab pero hindi na accredit dahil “late” ang application. Dati pa nilang intensyong pumasok. Hindi tutol ang LCSP sa pagpasok ng mga bagong player sa motorcycle taxi industry pero dapat ay pagdaanan nila ang mahigpit na prosesong ipinatutupad ng TWG. Hindi pwede ang BACKDOOR ENTRANCE na gagamitin ang isa sa tatlong accredited companies nang hindi dumadaan sa proseso ng TWG. BAWAL BAKAS. BAWAL ANG KABIT SYSTEM. AT HUWAG PAYAGAN NA HABANG NASA PILOT TEST PA ANG MOTORCYCLE TAXIS. Ang layunin ng Pilot Run ay hindi para sa negosyo kung hindi para bumalangkas ng polisiya IN AID OF LEGISLATION para masumite sa Kongreso at isabatas na ang motorcycle taxis. Tanong? IN AID OF LEGISLATION BA ANG PAGPASOK NG GRAB? Yan ang dapat tingnan ng TWG habang maaga. Isa ang LCSP na unang nagsulong na gawing ligal na ang motorcycle taxis maraming taon na nakalipas.
Kaya hindi maaaring tumahimik lamang kami sa isyu na yan kung ito ay makapagpapaantala sa pag sasabatas ng motorcycle taxi.
Ok ang kumpetisyon pero sana pagtapos na ng pilot run at may malinaw na polisiya na tulad ng pagbibigay prangkisa , ruta, pamasahe, safety precautions at iba pa.
Kayat panawagan ng LCSP, National public Transport Coalition, Arangkada Riders Alliance at Digital Pinoys – Imbestigahan ang Grab- Move It deal. (Atty. Ariel Inton Jr)
-
Na-enjoy nang husto ang shooting nila sa Seoul… BARBIE at DAVID, halos pareho ang ‘di malilimutang eksena sa movie
NATANONG ang lead stars ng ’That Kind of Love’ na sina Barbie Forteza at David Licauco kung anu-ano ang hindi nila makakalimutang eksena na kinunan sa Seoul, South Korea? “Ang hindi ko makakalimutan na ginawa namin sa Korea, actually I like to add, kasama namin si Divine,” pagtukoy ni Barbie sa co-star nilang […]
-
PDP-Laban Cusi Wing, tuluyan nang nilaglag si Pacquiao para makasama sa senatorial slate na sasabak sa Eleksyon 2022
TULUYAN nang nilaglag ng PDP-Laban wing sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao para maikunsidera ito sa Senate slate para sa 2022 elections. Nauna nang sinabi ng Cusi group na inalok nila si Pacquiao na makasama sa kanilang Senate slate matapos na mapatalsik ito bilang party president at sumunod naman […]
-
JK, kinakiligan sa IG post pero may nagbabala sakaling manalo si MAUREEN sa ‘MUP’
SA Instagram post ng singer na si JK Labajo nanawagan siya sa kanyang followers para suportahan ang kanyang girlfriend. Kasama ang isang photo nakaka-beauty queen, nilagyan niya ito ng caption na, “Hi po gud pm sa inyong lahat paki download po yung miss universe ph app tapos paki vote po yung crush ko […]