Tako ni Reyes, tutumbok pa
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
MAGPAPATULOY pa rin sa pagsargo.
Ito ang tiniyak ni billiards icon Efren ‘Bata’ Reyes dahil na kahit 65 taong-gulang na ay hangad pa ring makapagbigay ng karangalan para sa bansa o mga Pinoy.
Ginawa ng The Magician ang pahayag pagkagawad sa kanya ng Lifetime Achievement Award sa katatapos na SMC-Philippine Sportswriters Association Awards Night na sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Ayon pa sa bilyaristang Kapampangan, handa rin niyang tulungan at isalin ang kanyang mga kaalaman sa mga kabataang gustong sundan siya sa kanyang tinahak.
Nanawagan din si Reye sa mga sports leader ng bansa nang pagkakaisa o at huwag na ring pairalin pa ang mga personal na interes para mabigyan ng tamang suporta at serbisyo ang mga atleta. (REC)
-
Malakanyang, niresbakan si Robredo
BINUWELTAHAN ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo matapos na hikayatin nito ang pamahalaan na itigil na ang “propaganda” at sa halip ay ituon ang panahon at pansin sa pagtugon sa hamon na dala ng COVID-19 pandemic. Todo-depensa si Presidential Spokesperson Harry Roque sa ginagawa ng gobyerno sa pagtugon ng hamon ng pandemiya sa […]
-
Ilang sangkot sa korapsyon sa DPWH, patay o retirado na
PATAY na o kaya naman ay retirado na ang ilan sa mga pangalan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) personnel na nasa listahan na sinasabing di umano’y sangkot sa korapsyon. Sa briefing na isinagawa para sa pagtugon ng pamahalaan sa bagyong Ulysses ay isinambulat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang korapsyon sa […]
-
1 Pinoy nakaligtas sa lumubog na cargo ship sa Japan
Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng Japanese coast guard sa paglubog ng isang cargo ship sa karagatang bahagi ng Amami Oshima island, Huwebes ng gabi. Nailigtas nila ang isang 45-anyos na chief officer ng barko na si Eduardo Sareno habang hinahanap pa nila ang 38 iba pang tripulanteng Pinoy. Ayon sa […]