Takot sa COVID-19: Panagbenga 2020, tuluyan nang kinansela
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
TULUYAN nang kinansela ang Panagbenga flower festival sa siyudad ng Baguio sa gitna ng takot sa COVID-19, ayon sa anunsyo ni Mayor Benjamin Magalong kahapon (Lunes).
Ani Magalong, ito ang nagpadesisyunan ng Baguio City Interagency Task Force on COVID-19, kasunod ng rekomendasyon na ginawa ng Baguio Flower Festival Foundation Inc. Suspendido na rin ang lahat ng operasyon ng night market nito na epektibo ngayong araw (Marso 10) hanggang sa susunod na 14 araw.
Kakanselahin na rin ang lahat ng pagtitipong bahagi ng taunang selebrasyon kabilang ang Grand Street Parade na naka-reschedule sa Marso 28, Grand Float Parade sa Marso 29, at Session Road in Bloom na nakatakda mula Marso 30 hanggang Abril 5.
Inisyal na naka-iskedyul ang opening parade nito noong Pebrero 1, ngunit ipinagpaliban ito ng mga lokal na opisyal bilang precautionary measure.
Sinabi naman ni Department of Health Regional Director Amelita Pangilinan na inilagay na sa “code red” ang bansa matapos kumpirmahin ng mga awtoridad ang local transmissions sa Metro Manila. Nakapagtala ng apat na kaso ang Pilipinas nitong Linggo ng gabi, dalawa sa mga ito ang walang travel history sa labas ng bansa.
Nananatili pa ring ‘COVID-19-free’ ang rehiyon hanggang kahapon (Lunes).
Sinuspinde na rin ang Cordillera Administrative Region Athletic Association Meet na orihinal na naka-iskedyul mula Pebrero 1 hanggang 23, ayon kay Magalong.
Samantala, ititigil muna sa ngayon ang pagsasara ng Session Road para sa mga art events at cultural gatherings.
-
Pinost ang selfie after na mapanood sa musical play: LEA, isa sa iniidolo ng bida ng ‘Young Sheldon’ na si IAIN ARMITAGE
BIG fan pala ng West End and Broadway star Lea Salonga ang bida ng US comedy series na ‘Young Sheldon’ na si Iain Armitage. Pinost ni Iain sa social media ang selfie niya kasama si Lea at Bernadette Peters after niyang mapanood ang West End musical na ‘Stephen Sondheim’s Old Friends’. […]
-
Karapatan ng mga sea passenger, ipinaalala ng DOTr kasabay ng holiday rush
Ipinaalala ng Department of Transportation (DOTr) – Maritime Sector ang karapatan ng mga pasahero sa mga sasakyang pandagat kasabay ng tuloy-tuloy na pagdagsaan ng mga ito sa mga pantalan. Pangunahin dito ang karapatan ng mga pasahero sa mga pagkakataong nakansela, na-delay, o hindi nakumpleto ang kanilang biyahe sa pamamagitan ng mga sasakyang […]
-
Ads December 7, 2022