• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tambalang Go-Duterte sa Eleksyon 2022, wala pa ring kasiguraduhan – Nograles

WALA pa ring kasiguraduhan ang tambalang Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at Pangulong Rodrigo Duterte para sa 2022 national elections.

 

Sa isinagawang Pandesal Forum, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kapwa may “indefinite decision” sina Go at Pangulong Duterte sa naging panawagan sa kanila na tumakbo sa pagka-pangulo at bilang bise-presidente sa halalan sa susunod na taon.

 

Aniya, ang ruling party, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ay “still concentrating” kung sino ang kanilag magiging pinal na presidential at vice presidential candidates sa susunod na taon.

 

“Hanggang ngayon, wala pang definite decision si Pangulo kung tatakbo pa siya and because of that, wala pang definite decision si Senator Bong Go kung tatakbo rin ba siya ,” ani Nograles.

 

Nauna rito, sina Go at Pangulong Duterte ang magiging standard-bearers ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Eleksyon 2022.

 

Ito ang sinabi ni PDP-Laban’s Secretary General, Melvin Matibag na ang Go-Duterte tandem ay “logical and popular” choice para sa mga kaalyado ng administrasyon.

 

Sa isinagawang Balitaan sa Maynila forum, sinabi ni Matibag na may mga indikasyon na bukas si Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise-presidente.

 

“Sana matuloy pagkat kung hindi ,wala kami nakikita na makakatawid ng laban sa 2022 kundi tambalan na Go-Duterte, kaya sana magkaroon ng positibong reaksyon si Pangulo at Sen. Go sa layunin ng PDP-Laban,” anito.

 

Sa kabilang dako, nakatakdang magdaos ng national convention ang PDP-Laban sa Bulacan sa darating na Setyembre 8.

 

Ayon kay Matibag, pupunan ng partido ang “full lineup” ng allied candidates kapwa sa national at local levels.

 

Ani Matibag, sinusubukan din nilang i-reach out ang paksyon nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel III at Manny Pacquiao.

 

“Kung magkakaroon pa ng pagtatalo, ang Comelec ang siyang magreresolba,” dagdag na pahayag nito.

 

Hindi naman nakikita ni Matibag na magbibigay-daan si Go para kay Pacquiao na napaulat na tatakbo rin sa pagka-pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads November 17, 2023

  • Militar nag-sorry sa UP alumni na inilistang NPA

    Humingi ng tawad ang isang unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mali-maling impormasyon na inilabas na nagtuturo sa ilang graduates ng Unibersidad ng Pilipinas na diumano’y naging New People’s Army (NPA) member kahit walang katotohanan.     Ika-21 ng Enero, 2021 kasi nang maglabas ang Facebook page na AFP Information Exchange ng […]

  • Kiefer nag-sorry sa NLEX, PBA

    Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ra­vena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars.     Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa a­ber­yang naidulot ng biglaang announcement ng pagla­laro nito sa Shiga.     “I apologize […]