Tambalang Sara-Go sa Eleksyon 2022, binuking ni PDu30
- Published on October 5, 2021
- by @peoplesbalita
IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang napipintong pagtatambal nina Davao City Mayor Sara Duterte at Senator Christopher “Bong” Go para sa dalawang “top government posts” sa May 9, 2022 elections.
Kinumpirma mismo ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa labas ng Sofitel Hotel sa Pasay City, araw ng Sabado ang bagay na ito matapos na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy for Vice President si Go.
“Sara-Go na ‘yan ..in the 2022 national elections,” ayon kay Pangulong Duterte.
Umatras ang Pangulo sa nominasyon bilang Vice-Presidential candidate ng ruling party, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), at nagpahayag nang kahandaan na magretiro mula sa public service kapag nagtapos na ang kanyang termino sa Hunyo 2022.
Matatandaang, unang pinroklama ng PDP-Laban si Go bilang top candidate ng partido subalit tinanggihan nito.
Ang pinakabagong pahayag naman ng Pangulo ay sa kabila nang makailang ulit na pahayag naman ni Mayor Sara na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo at ang paghahain ni Mayor Sara ng kanyang COC, araw ng Sabado para sa pangatlo at huling termino bilang Alkalde ng Davo.
At nang tanungin ang Pangulo kung pinal na ang presidential bid ng kanyang anak , ang sagot ng Chief Executive ay “yes”.
“Ah, actually, hindi kami nag-uusap ng politika ever since. Ever since, we never talked about politics. I would say that I did that ..withdrawal of my vice-presidential bid.. for the better,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Sa kabilang dako, wala namang ideya si Pangulong Duterte kung kailan mag-aanunsyo ang kanyang anak ukol sa kanyang presidential bid.
Magugunitang, si Pangulong Duterte ay substitute bet noong 2016 polls, kapalit ni Martin Diño.
Si Diño, chair ng Volunteers Against Crime and Corruption noong panahon na iyon ay iniatras ang kanyang COC matapos mainsulto sa Commission on Elections na ideklara siyang nuisance bet.
Ang paghahain ng COC ay magtatapos sa Oktubre 8 habang ang political parties ay mayroon lamang ng hanggang Nobyembre 15 para palitan ang kanilang kandidato. (Daris Jose)
-
Number coding scheme sa MM, nananatiling suspendido
NANANATILING suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila. Ang katuwiran ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr., nananatiling “manageable” ang trapiko sa metropolis . Ani Abalos, ang limiitadong transportation system na ipinatutupad ng Department of Transportation at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) […]
-
Obispo, dismayado sa “white sand project” sa Manila bay
Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa hindi napapanahong proyekto ng pagpapaganda at paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic. Sinabi ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas na hindi naaangkop na […]
-
Inakalang dahil buntis kaya sumasakit ang balakang: ANGELICA, nadiskubre na may bone death kaya sumailalim sa medical procedure
NAKALULUNGKOT at shocking ang rebelasyon ni Angelica Panganiban sa kanyang Youtube video. Ayon kasi mismo sa aktres ay may sakit siya, na tinatawag na Avascular necrosis o bone death, na kinailangang isailalim siya sa medical procedure. “I have Avascular Necrosis,” pahayag ni Angelica na inakalang ang pananakit ng kanyang balakang dati […]