• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tambay kulong sa hindi lisensyadong baril sa Navotas

TIMBOG ang 22-anyos na tambay na nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril nang salakayin ng pulisya ang kanyang tirahan sa bisa ng search warrant sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Bago nadakip ang suspek na si alyas “Buboy”, nakatanggap na ng impormasyon ang mga tauhan ni Navotas City Police Chief P/Col. Mario Cortes hinggil sa pag-iingat niya ng baril na dahilan upang mag-apply sila ng search warrant sa hukuman.

 

 

Mismong mga tauhan ni Col. Cortes na sina Lt. Michael Salvador, P/SSgt. Jason Dela Cruz at isang alyas “Irene” ang nag-apply ng search warrant sa sala ni Navotas Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Romana M.M. P. Lindayag Del Rosario ng Branch 287 upang mapasok ang tirahan ng suspek sa Brgy. NBBS Proper sa naturang lungsod.

 

 

Nakumbinsi ng mga deponent ang hukom bunga ng personal nilang kaalaman sa ilegal na pag-iingat ng baril ni alyas Buboy na dahilan upang maglabas ng search warrant ang hukuman na ginamit ng pulisya sa paghahalughog sa bahay ng suspek dakong alas-2:35 ng hapon, suot ang kanilang body camera na sinaksihan pa ng opisyal ng barangay sa naturang lugar.

 

 

Nakuha sa loob ng bahay ni alyas Buboy ang itinatagong kalibre .38 revolver na walang serial number at dalawang bala na gagamitin ng pulisya sa paghahain nila ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Navotas police sa pagsisikap na madakip ang mga nag-iingat ng hindi lisensiyadong armas sa tulong na rin ng mga concerned citizens na nagbibigay ng impormasyon sa mga taong gumagawa ng labag sa batas. (Richard Mesa)

Other News
  • Sa pamamagitan ng tinayo niyang foundation: ALDEN, patuloy ang pagtulong sa mga kabataan na gustong makapag-aral

    ISA sa mga sikat na showbiz celebrities na hindi nagawang tapusin ang pag-aaral ay si Alden Richards.     Pero hindi man nakapagtapos ay isa sa layunin at ambisyon ni Alden ay ang makatulong sa ilang kabataang nagnanais magkaroon ng diploma sa college.     Kaya nga itinayo ng Kapuso Superstar ang AR Foundation, Inc. […]

  • Ads January 18, 2024

  • 5 CHINESE NATIONALS, INARESTO SA KIDNAP FOR RANSOM

    NAARESTO ng Manila Police District (MPD)-Station 5 ang limang indibidwal kabilang ang tatlong Chinese national dahil sa pagdukot sa tatlo nilang  kababayan.     Kasong  Kidnap for Ransom (Art 267, RPC) at Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act (RA 10591) ang kinakaharap ng  mga naaresto na sina Wang Joe, 28; Ouyang Fuqing, 32; Chai Xin […]