Tanggap na maraming nag-unfollow dahil sa pananaw sa politika: JANNO, sinabihan ang netizens na hayaang maging bitter at magluksa sa pagkatalo
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
TANGGAP ni Janno Gibbs na maraming followers ang nag-unfollow dahil sa kanyang personal na pananaw sa politika.
Post pa ng singer/comedian “Let us grieve.”
At dagdag pa ng aktor, “Sabi nyo “Wag nang bitter.” Tanggapin nlang na Talo na. Move on na. Nung matalo si BBM as VP. Nagmove on ba? Tinanggap ba niyo? Hindi.
“Nagprotesta at nagparecount ng 3x. “Talo pa rin. So hayaan niyo kaming maging bitter. Kung nabaliktad ang resulta, pihado bitter din kayo.
“Let us grieve.”
Reaction naman ng netizens:
“Infairness kay janno gibbs, atapang a tao lol.”
“True. Manual recount dapat. Tatlong beses din!!!”
“Wag ka na rin kasing dumaldal pa at titigil naman sila. Wag ng ibandera na talo ang FINK lalo ka lang aasarin ng mga yan.”
“Hindi nahihiya ang mga kakampink sa binoto nila. Kung uulitin lahat, iboboto pa din nila si Leni Robredo. Walang nakakahiya dun at walang sayang. Can’t say the same sa kalaban. Just wait and see.”
“You deserve it proud ka pa nga.”
“Kung tama yung pinanindigan nya. Yes! He’s proud.”
“Nakaka proud na di kami bumoto ng tax evader, kahit talo malinis konsensya namin.”
“Proud sya kase matino at mabuting tao ang binoto nya.”
“Hahaha Janno don’t worry, mga paid trolls na nkafollow sayo dati pa ang mga nag unfollow sayo. Sinunod nila ung sinabi mo na let us grieve. You lost troll followers pero you gained peace of mind.”
“30million na boto troll pa rin???”
“life must go on guys, stop the hate na.”
“i agree. It’s not just about politics. Andaming considerations involved. Choice of moral values, good and evil, etc.”
“Eh yun naman kasing k BBM, lamang sya ng 1m tapos biglang lamang na ng 200k si Leni. Etong 2022 elections, almost mag 32m votes na sya while si Leni nasa 15m. Saan nyo naman hahabulin o dudukutin yong almost 17m? Kung 200k lang lamang, pwede pang magpa recount kasi napaka close fight. Pero 17 million na lamang? Ay nako wag na mag sayang ng time.”
“Wala naman sinabi na mag recount walang pera si leni sinabi pa nga nya tanggapin ang resulta, maayos sya yung supporters nya lang talaga mejo hindi.”
“atapang na tao. follow na kita sa IG. :-)”
“Janno wag mong ipangalandakan na bitter at nagluluksa kayo marami pa dyan ang indenayal hindi nila tanggap. Ganyan talaga ang politika walang forever goodluck nalang sa career mo.”
“He’s a Filipino and paying tax. To voice out his thoughts and opinion is his constitutional right.”
“kakabilib siya! di gaya ng mga hugas mangga!”
“Respect our anger and grieve”
“Salamat Janno sa pagtindig. Dun sa mga sumuporta kay vvm, sana tama kayo. Sana nanalo sya ng walang bahid ng pandaraya. Sana nanalo sya dahil sya binoto nyo kahit walang bayad. Sana tuparin nya pinangako nya kung meron man. At higit sa lahat sana BAYARAN NYA UTANG NYA.”
“Good on him. He is not afraid to fight back and fight well.”
“Ayusin mo work ethics mo muna para pde kang maging Robin, khit na mdameng memes sknya ng supporters nyo eh #1 sya dahil may alam sa Gobyerno at nakatulong. di lageng credentials lapagan ngayon. Si Zelensky nga, romcom actor naging Presidente so pde ka din.”
Huling post ni Janno ay para kay VP Leni Robredo:
“Mam Leni,
“Isang karangalan po ang minsa’y haranahin kayo at mapangiti. Nakaukit napo yon sa aking puso’t isipan. Mabuhay po kayo! Muli, kinilig ako ng slight.
– Pres. Gibbs”
#lastnatohpromise
(ROHN ROMULO)
-
Leody de Guzman, Sen. Sotto, nag-concede na
NAGPAHAYAG na ng pagtanggap sa pagkatalo sa halalan si labor leader Leody de Guzman. Aminado itong naging mabigat ang hamon ng halalan, ngunit kanila itong pinagsikapang kayanin. Nagpasalamat naman siya sa mga tagasuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatanggol sa sektor ng mga manggagawa. Samantala, nag-concede na rin si vice […]
-
PASIG CITY MAYOR, MAY SARILING TROLL ARMY OPERATOR?
HINAMON ni dating Pasig City Councilor Atty. Ian Sia si Mayor Vico Sotto na magpaliwanag sa troll activities ng tanggapan ni City Administrator’s Executive Assistant Maurice Mikkelsen Philippe Camposano. Inakusahan si Camposano bilang operator ng troll army na nagsagawa ng propaganda attacks laban sa mga kalaban sa pulitika ni Sotto, mula pa noong […]
-
Chinese National na may kasong trafficking, naharang
HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa trafficking at pagre-recruit ng mga babaeng Filipina para iligal na magtrabaho sa China. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pasahero na si Tong Jialong, […]