• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanggap ng pamilya ang kanilang relasyon: KLEA, malayang-malaya na makasama ang girlfriend na si KATRICE

NATUWA ang award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III na muli silang nagkatrabaho ni Dingdong Dantes pagkaraan ng isang dekada.

 

 

 

Kuwento ni Kuya Pip na tuwing nagkikita sila ni Dong, ang tawag niya rito parati ay Carlos Miguel. Yun kasi ang pangalan ni Dong sa unang teleserye na pinagsamahan nila na ‘Sana Ay Ikaw Na Nga’ in 2002.

 

 

 

“For a long long time, for so many many years, ang tawag ko sa kanya tuwing magkikita kami is Carlos Miguel. And ngayon mapapalitan na ‘yan, iba na ‘yung pangalan niya ngayon.

 

 

 

“But it was always been a very nice experience for me everytime I work with Dingdong. He’s a very kindhearted man, he’s very professional, and I can see he really loves his job.

 

 

 

“He’s not here just for the glory, for the fame, no. He has his heart into the art itself, the craft of acting. Nandito siya for as long as he can deliver and give beautiful stories and characters to our viewers, he will try to give his 100 percent best.”

 

 

 

Sa ‘Royal Blood’, gaganap si Tirso bilang Gustavo Royales, isang business tycoon at ama ni Napoy, na gagampanan naman ni Dingdong. Gaganap pang tatlong anak ni Gustavo sina Mikael Daez, Rhian Ramos at Lianne Valentin.

 

 

 

***

 

 

 

DAHIL Pride Month, malayang-malaya si Klea Pineda na makasama ang kanyang girlfriend na si Katrice Kierulf kahit saan nila gustong pumunta.

 

 

 

Simula noong mag-out si Klea, mas naging masaya ito dahil wala na siyang dapat na itago, lalo na ang pagmamahal niya sa kanyang partner na si Katrice.

 

 

 

Kelan lang ay sabay ang dalawa na namasyal sa La Union. Dahil parehong mahilig sa big bikes sina Klea at Katrice, ito ang ginamit nilang transportation sa pagpuna sa La Union.

 

 

 

“Walang sawang ride w/ you @kleapineda,” post ni Katrice sa kanyang Instagram stories.

 

 

 

Kasama rin ang buong pamilya ni Klea na nagbakasyon din sa La Union. Matagal nang tanggap ng pamilya ni Klea na siya ay miyembro ng LGBTQIA+ community. At tanggap din nila si Katrice bilang partner ni Klea.

 

 

 

Sa isang pinost na photo ni Katrice na photo nila ni Klea sa IG, nilagay niya ang caption na “Together we’re unstoppable.”

 

 

 

Marami man ang mabilis na tinanggap ang relasyon nila, hindi pa rin daw mawawala hanggang ngayon ang mga naghuhusga sa kanilang relasyon.

 

 

 

Heto ang naging sagot ni Katrice sa mga hindi makaintindi sa relasyon nila ni Klea: “Not everyone will understand our love story. But we won’t let it shatter our goals, dreams & the future we want to build together. #LoveAlwaysWins @kleapineda”

 

 

 

***

 

 

 

PROUD ang bisexual Filipino actor na si Alex Diaz na nakarating siya sa screening ng kanyang first international film titled ‘Glitter & Doom’ noong nakaraang June 8 sa Toronto, Canada.

 

 

 

Naging parte ng 2023 Inside Out LGBT Festival ang pelikula ni Alex kunsaan co-stars niya ang British actor na si Alan Cammish at ang ‘Orange is the New Black’ star na si Lea DeLaria. Kasama rin sina Missi Pyle, Tig Notaro at ang Indigo Girls na sina Amy Ray at Emily Saliers. Ang gumanap naman na mother ni Alex sa movie ay si Ming-Na Wen.

 

 

 

Ang kuwento ng ‘Glitter & Doom’ ay tungkol sa isang musician at isang carefree kid na sumama sa isang traveling circus kunsaan na-develop ang feelings nila para sa isa’t isa. Featured sa LGBTQIA+ musical na ito ay ang songs ng award-winning duo na Indigo Girls.

 

 

 

Ipapalabas din ang ‘Glitter & Doom’ sa Fairy Tales Queer Film Festival, Queer North Film Festival, and Frameline Film Festival in San Francisco.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • FIFA Trivia: 8 bansa lamang ang nagkampeon sa World Cup

    MULA nang magsimula ang unang torneo ng FIFA World Cup noong 1930 ay mayroong walong bansa lamang ang nagkampeon.     Pinangungunahan ito ng Brazil na mayroog limang championship, na sinundan ng Italy at Germany na kapwa mayroong tig apat na kampeonato.     Habang mayroong tig dalawang world cump titles ang Uruguay, Argentina at […]

  • Beijing, niresbakan ang US matapos siraan ang PH-China economic ties

    TINAWAGAN ng pansin ng Chinese Embassy sa Maynila ang Washington DC dahil sa paninira sa economic relations ng China sa Pilipinas.     Ang pahayag na ito ay tugon sa lumabas na ulat kung saan kinukuwestiyon ni State Department Undersecretary Victoria Nuland kung  talagang  aktuwal na nakalikha ng hanapbuhay  para sa mga Filipino ang pangako […]

  • Navotas ipapatupad ang bagong oras ng trabaho

    MAGPAPATUPAD ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula Mayo 2, 2024.     Ito’y matapos lagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang Executive Order (EO) No. JRT-016, na nagsasaad ng pagbabago ng oras ng trabaho sa pamahalaang lungsod mula 8am-5pm hanggang 7am-4pm alinsunod sa Metropolitan Manila Council (MMC) Resolution […]