• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TANGGAPAN NG IMMIGRATION SA INTRAMUROS, SARADO NG LUNES AT MARTES

SARADO ang punong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros Manila kahapon (Lunes) at ngayon (Martes) upang bigyang daan ang pagdi-disinfect sa buong gusali kasunod ng biglaang pagtaas ng  kaso ng Covid 19 sa Metro Manila.

 

 

Sa kanilang advisory, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang lahat ng transaksiyon sa kanilang tanggapan ay pansamantalang suspendido sa loob ng dalawang araw kung saan ipinag-utos nito ang “thorough sanitation and disinfection”.

 

 

Sinabihan din ang lahat ng mga opisyal at mga empleyado na manatili sa loob ng kanilang bahay, bagama’t isang skeletal force ng kanilang mga personnel particular sa mga nagtratabaho sa support services at kanilang security.

 

 

Dagdag pa ni Morente na maaari silang pumunta sa kanilang mga tanggapan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang BI SM North Satellite Office at BI SM Aura Satellite Office at iba pa.

 

 

Sa mga may online appointment nitong Lunes at Martes ay maaari nilang ipa-reschedule ang kanilang appointments pag nagbukas ang kanilang tanggapan sa Miyerkules o i-check sa kanilang website sa www.immigration.gov.ph  at mga social media accounts para sa iab pang anunsiyo at advisory. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ITIGIL ang MAPANG-ABUSO at HINDI MAKATARUNGANG PANININGIL ng ILANG PUNERARYA sa PAMILYA ng mga BIKTIMA ng ROAD CRASHES

    Kailan lang ay ibinalita at tinulungan ni brodcaster Erwin Tulfo ang pamilya ng isang road crash victim – isang rider ang kinaladkad ng tanker truck sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quezon City.     Sa gitna ng pagdadalamhati ng pamiya ay naging problema pa nila ang mataas na paniningil ng punerarya kung saan dinala ang […]

  • Napakahusay talagang magpakilig: STELL, single pero ‘forever boyfriend’ na ng mga A’TIN

    NAPAKAHUSAY talagang magpakilig ni Stell Ajero ng SB19, no wonder andaming may crush at nagpapantasya sa kanya.     Sa pinaka-aabangang guesting niya kay King of Talk sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay naitanong rin sa wakas kay Stell ang million-dollar question na nais itanong sa kanya ng marami; ang tungkol sa kanyang lovelife. […]

  • Mas maraming LTO enforcers ikakalat vs kolorum na PUVs

    MAGKAKALAT  ang mas maraming traffic enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila, bukod pa sa may  50,000 deputized traffic personnel sa buong bansa sa darating na Pebrero 1 kung saan maraming mga pampasaherong sasakyan na ang ituturing na kolorum.     Ito ang inihayag ni LTO Chief Vigor Mendoza na batay rin umano […]