TANGGAPAN NG IMMIGRATION, SARADO PA
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
MANANATILING sarado hanggang ngayon (Huwebes) ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila para maipagpatuoy ng mga empleyado ng ahensiya na sasailaim sa rapid anti body test para sa COVID 19 virus.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na halos kalahati lamang sa 700 na empleyado ang nakapag-test nitong Lunes at Martes kaya mananatili munang suspendido ang operasyon ng dalawa pang araw (hanggang Huwebes).
Dagdag pa ni Morente na binibigyan din nito ang kahilingan ng General Services Section ng sapat na panahon upang magsagawa ng disinfection at sanitation sa buong gusali at paligid nito.
Matatandaan na sinuspinde ang operasyon ng ahensiya sa main building nang tatlo sa kanilang empleyado ay nagpositibo sa COVID 19, gayunman, magpapatuloy pa rin ang operasyon sa kanilang mga satellite at extension offices sa Metro Manila, particular sa SM Aura mall, PEZA building sa Taguig City; SM-North mall sa Quezon City; at BOI building sa Makati City.
“Those who have registered with our online appointment system will be notified or may inquire about their new schedule by contacting our hotlines that can be viewed at immigration.gov.ph,” ayon sa BI Chief.
Samantala, siniguro naman ni Manila Mayor Isko Moreno na bukas para sa mga empleyado ng ahensiya ang medical at quarantine facilities na posibleng nahawaan o suspected sa virus. (GENE ADSUARA)
-
Rome Marathon, kanselado vs coronavirus scare
KINANSELA na rin ang malaking marathon sa Italy dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus sa nasabing bansa. Sa pinakahuling datos, umabot na sa 148 ang patay dahil sa coronavirus sa Italy at mahigit 3,200 naman ang nadapuan ng sakit. Sa panayam kay Jeff Lagos mula sa Rome, […]
-
BUS OPERATOR NA MANININGIL SA BEEP CARD, PAGMUMULTAHIN –DOTR
PAGMUMULTAHIN ng Department of Transportation (DOTr) ang sinumang bus operator na maniningil ng karagdagang bayad sa Beep card. “Unang-una na papatawan ng penalty dyan is ‘yung bus operators, dahil ‘yun ang kausap namin… Sila ang mananagot kasi sila ang kausap eh. Basta kami sinabi lang namin sa kanila na dapat walang bayaran ng pamasahe […]
-
Ginebra tinuldukan na ang dalawang sunod na talo matapos talunin ang Aces 87-81
TINULDUKAN na ng Barangay Ginebra ang dalawang sunod na pagkatalo matapos talunin ang Alaska 87-81. Bumida sa panalo ng Gins si Stanley Pringle na nagtala ng 31 points. Nakagawa naman ng tig- 14 points sina Japeth Aguilar at Aljon Mariano. Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Ginebra habang ang Aces ay […]