Tanging merit scholarship applications para sa freshmen ang apektado ng fund shortage- CHED
- Published on March 14, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ng Commission on Higher Education (CHED) na tanging ang bagong aplikasyon para sa merit scholarships sa tertiary level ang apektado ng kakapusan sa pondo.
“Ang hindi nalagyan o nagkulang ‘yung pondo ay ang tinatawag naming merit scholarships. Ito ang financial assistance based on grades,” ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera.
Sinabi ni De Vera na ang pagpopondo para sa nasabing scholarships ay laan lamang sa kasalukuyang grantees.
“Tinatayang may 5,000 hanggang 10,000 slots sa buong bansa ang naka-assigned para sa merit scholarships kada taon depende sa annual budget,” ani De Vera.
Ipagpapatuloy naman ng CHED ang pagtanggap ng aplikasyon para sa iba pang financial assistance programs gaya ng tertiary education subsidy at Tulong Dunong.
“The tertiary education subsidy program has over 500,000 slots per year, while Tulong Dunong has more than 200,000,” dagdag na pahayag nito.
Sa ilalim ng 2022 spending program, binigyan ang CHED ng ₱1.82 bilyong piso para sa probisyon ng tulong at insentibo, scholarships, at grants sa pamamagitan ng student financial assistance program nito. (Daris Jose)
-
Training ng PBA teams balak sa MGCQ areas
Ang mga training facilities sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) areas ang magiging sagot upang masimulan ang pagsasanay ng mga PBA teams. Kaya naman umaasa ang pamunuan ng PBA na makakakuha ito ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para maumpisahan na ang scrimmages ng mga ito. Sinabi ni PBA […]
-
Ash Barty pasok na sa finals ng Australian Open
PASOK na sa finals ng Australian Open ang home-crowd favorite na si Ashleigh Barty. Tinalo kasi nito si Madison Keys ng US sa semifnal round. Nakuha ng world number one ang 6-1, 6-3 score para tuluyang ilampaso ang ranked 51 na American sa loob lamang ng 62 minuto. Si […]
-
Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), binatikos ang ginawang pagbaba sa taripa
BINATIKOS ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang ginawang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas mula India na dating 50% taripa ay 35% na lamang ngayon. Tugon umano ito sa naulinigang plano ng Thailand at Vietnam na taasan ang presyo ng kanilang bigas at magtaguyod ng rice cartel. […]