• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanod, 4 pa timbog sa drug buy bust sa Valenzuela

Arestado ang limang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang barangay tanod sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay PCpl Christopher Quiao, dakong 9:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na kinabibilangan nina PCpl Jhun Ahmard Arances, PCpl Mario Baquiran at PCpl Jocem Dela Rosa sa pangunguna ng kanilang hepe na si PLT Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria Jr. ng buy bust operation sa Blk 10 Building 13 208 Disiplina Village, Bignay.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba sina Melchor Evangelista alyas “Melvin”, 52, Tanod ng Karuhatan, Maribel Wolfee, 35, at Robert Aguilar, 54 matapos tanggapin P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang schet ng shabu.

 

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P40,800 ang halaga, buy bust money, P500 cash at apat na cellphones.

 

 

Dakong 8:45 naman ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU na kinabibilangan nina PSSg Gabby Migano, PSSg Alvin Olpindo at PCpl Ed Shalom Abiertas sa buy bust operation sa Esteban South corner Chapoco St. Dalandanan sina Carlos Dela Peña, 59, pedicab driver at Angelito Nacor, 42.

 

 

Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang nasa 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,000 ang halaga, P500 buy bust money, P350 cash, dalawang cellphones at itim na pouch.

 

 

Kasong paglabag sa Section 5, 26 at Section 11 under Article II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads October 14, 2021

  • Pixar SparkShorts Films ‘Float’ and ‘Wind’, Streaming on YouTube for a Limited Time

    PIXAR has released two Pixar SparkShorts films — Float and Wind — on YouTube, making them widely available to more people around the world.     Both films come from Asian filmmakers and feature the story of Asian characters.     Float is a 7-minute film by Filipino-American director Bobby Alcid Rubio. It tells the story of a father who […]

  • 6% itinaas ngayon ng presyo ng mga basic goods – retailers

    NAGSIMULA na umanong tumaas ang presyo ng mga basic goods kasabay nang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.     Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association (Pagasa) president Steven Cua, ang presyo raw ngayon ng basic necessities at prime commodities ay tumaas ng 4 hanggang 6 percent.     Ang ibang goods naman gaya […]