• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanod at hipag, tiklo sa P1 milyon halaga ng shabu sa Navotas

Arestado ang isang barangay tanod at kanyang hipag matapos makumpiskahan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na si Kathrice Leongson, 31, (pusher/ listed) ng Blk 34 Taurus St., at kanyang bayaw na si Mark John Melejor, 28, barangay tanod ng Aries St., kapwa ng Brgy. San Roque.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Navotas police deputy chief for operation PLTCOL Antonio Naag ng buy-bust operation sa Taurus St., Brgy. San Roque.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon ng P1,000 halaga ng shabu sa mga suspek at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad silang dinakma ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 147.6 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang brown paper bag na may standard drug price na P1,003,680.00 ang halaga, at buy-bust money.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, ang asawa ni Leongson ay kasalukuyang nakakulong matapos maaresto kamakailan ng mga operatiba ng Navotas police sa isang drug operation na naging dahilan upang ipagpatuloy ni Kathrice ang illegal drug trade ng mister kasama ang kanyang bayaw. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, nangako ng agri rehab aid para sa Carina-hit Bulacan, Pampanga, Bataan

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) na kagyat na magbigay ng tulong sa pag-rehabilitate ng agriculture sector ng Bulacan, Pampanga, at Bataan matapos ang naging pananalasa ng Super Typhoon Carina-pinatinding southwest monsoon na humagupit sa Luzon.       Sa isang briefing sa Malolos, pinulong ng Pangulo ang mga […]

  • Mas maiksing quarantine para sa mga fully vaccinated health workers, pinayagan na ng IATF

    APRUBADO na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas maiksing isolation at quarantine periods para sa mga fully vaccinated health workers na infected o exposed sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).     Inanunsiyo ito ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles matapos ang pahayag ng ilang mga ospital na kulang sila sa personnel matapos ang biglaang pagtaas […]

  • JOHN LLOYD , tuloy na tuloy na ang paggawa ng sitcom ayon kay WILLIE, leading lady hindi pa malinaw

    MAY season break ang GMA Telebabad romantic-drama  series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.  Kaya this week mapapanood ang last 5 EPIC episodes, August 23-27, after 24 Oras sa GMA-7. Maraming maiiwanang katanungan sa mga televiewers, sa pagbabalik ng serye, magiging happy ending na ba para kina Louie (Alden) at Lia (Jasmine)?  Ano ang […]