• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanong ng netizen, ‘Bahay nyo ni Belle?’: DONNY, nagpapatayo na ng ‘dream house’ sa edad na 24

SA Instagram post ni Donny Pangilinan, flinex niya ang pinatatayong dream house na may caption na, “Almost there!! 🙏🏼🏠 #casadonato.”

 

 

Nakatutuwa at sobrang nakaka-inspire na sa edad niyang 24 at nagpapatayo na siya ng sariling bahay.

 

 

Bakit nga ba hindi, maituturing nga na si Donny at ka-loveteam na Belle Mariano na ‘pandemic superstars’ dahil sa successful na series na ‘He’s Into Her’?

 

 

Una namang nagbida ang DonBelle sa rom-com na ‘Love Is Color Blind’ at soon mapapanood na sila sa big screen sa pagbabalik ng Star Cinema (first film nila for 2022), ang ‘An Inconvenient Love’.

 

 

Bukod pa kabi-kabila na rin ang endorsements at tvc’s ng magka-loveteam, dahil sa kasikatan nila ngayon, kaya pinagkakatiwalaan lalo ng mga big companies. Kaya afford talaga niya magpatayo ng bahay, sa rami ng kanyang kinikita ngayon.

 

 

Comment naman ng mag-amang Gary at Gab Valenciano sa post, “Happy for you Donny” at “Proud of you cuz.”

 

 

Say naman ni Bianca Gonzales, “Amazing, congratulations!!”

 

 

“Niceee broooo invite me ah,” comment ni Daniel Matsunaga.

 

 

“Congrats mannnn!!!” sabi ni Richard Juan.

 

 

Marami pang celebrities ang nag-comment at natuwa sa achievement na ito ni Donny.

 

 

May netizen naman ang hindi nakatiis na magtanong ng, “Bahay nyo ni belle? 😍” at may sumagot na, ‘oo raw’.

 

 

At hirit naman ng isa, “Asawa na lang kulang dons.”

 

 

May nag-comment din na overrated actor daw si Donny na ipinagtanggol naman ng mga followers niya…

 

 

“Aside from being an actor, he’s also a business man. Di lang niya fineflex.”

 

 

“I hope you take time to watch his recent projects. He has improved a lot sa acting. Donny can sing and dance, too. After all he is a Pangilinan and music is in their genes.”

 

 

“As for looks, are you really sure na hindi sya kagwapuhan? Sorry I have to disagree. He is a good looking guy.”

 

 

“Malakas dating nya for me at may ibubuga nman sa acting tsaka ang dami dami dami nilang fans natural lang malaki bayad. Ganon talaga.”

 

 

“Bata pa kasi at medyo skinny pa at his age. But he is starting to fill out and getting buffed, ganda pa ng height. He is going to be one good looking guy.”

 

 

Say naman ng bashers, “Almost there kahit wala pang bubong. Ka turn off naman pa-humble brag nito.”

 

 

“True dzai! Yan pala ang almost there nya hahah baka titira na sya dyan next week haha.”

 

 

Kaya sagot ng mga netizens na hangang-hanga sa pinost ni Donny…

 

 

“Ay hala inggit yarn hahaha.”

 

 

“Almost there could mean a lot of things. Almost there matutupad na nya pangarap nya, almost there pinalalakas nya loob nya. Kayo kaya, kelan kaya kayo almost there sa kabaitan at bawas sa pagpintas sa kapwa? Sana almost there na din. Lol.”

 

 

“He is far from humble bragging kagaya ng sinasabi nila. Sana before we judge others alam natin ang background story.”

 

 

“This is actually a beach house. His dream personal project. He has other properties but bought them na built na.”

 

 

“Not to brag but to inspire. Work smarter & invest wisely. Nakaka-happy seeing fulfillment of your dream house. May your dream house come true, ka-Maritess! The goal is to be rich not to be a bardagulera, eme.. yun ang chaka.”

 

 

Dagdag paghanga pa nila sa binata…

 

 

“What an achievement at 24! Kudos!”

 

 

“I like this guy. Marunong humawak ng pera.”

 

 

“Congratulations Donny!”

 

 

“Go Dons! You’re so blessed because you’re a good person!”

 

 

“At his age wise ang ginagawa niyang investment which is real estate.”

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 3-week extension ng voters’ registration masyadong maiksi – solon

    Masyadong maiksi ang tatlong linggo na extension ng Comelec para sa voters registration, ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman.     Kung ang Section 8 ng Republic Act No. 8189 o Voters’ Registration Act kasi ang pagbabasehan, sinabi ni Lagman na hanggang January 8, 2022 pa maaring tumanggap ang poll body ng mga magpaparehistro para […]

  • Community pantries, hindi malayong maging contributory factor sa paglobo ng Covid 19 – treatment Czar Leopoldo Vega

    MALAKI ang posiibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.   Ayon kay treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega na wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering.   Malaki aniya ang […]

  • Ads February 3, 2023