• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanong ng netizens, bakit pati sina Liza at Julia? : KATHRYN, in-unfollow na si DANIEL kaya malabo nang magkabalikan

NAGING usap-usapan ng netizens ang ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram.

 

 

Tila nagbigay na ng hudyat si Kath na imposible na silang magkabalikan pa ni DJ, na balitang muling nanunuyo sa babaing minahal nang lubusan.

 

 

Napanood nga sa video sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda nang ihatid ni Daniel si Kathryn sa kotse kung saan sumakay sina Kathryn, Mr. Carlo Katigbak at Cory Vidanes.

 

 

Marami naman ang kinilig sa naturang video dahil kahit naghiwalay na ang dalawa, ay nagpakita pa rin ang binatang aktor ng malasakit sa Kapamilya actress.

 

 

Of course, may nag-nega rin dahil panay pa rin daw ang bakod at feeling dyowa pa rin si Daniel kay Kathryn kahit nag-break na sila.

 

 

Ilang nga sa naging komento ng netizens:

 

 

“tapos na ang palabas ni Daniel, no looking back just moving forward. laking kasalanan talaga nagawa ni Daniel para iwan sya ni kath after 11 years.”

 

 

“Ayan lubayan mo na kasi boy. Nakakaawang nakakatawa na yang fan service mo.”

 

 

“Good job, Kath!!!!😘 We’re so proud of you!!!! Mabuti at finally tinuldukan mo na talaga yung any possibility na magkakabalikan pa kayo ni Daniel. Halata naman na kaya dikit pa rin ng dikit sa iyo si boy is para ma-save yung career niya.”

 

 

“Kung makasunod kasi ang Daniel sa kasal as if sila pa rin. I applaud Kathryn for her bravery to immediately stop the onslaught of delulus na sila pa rin. Dami nyan sa FB at tiktok na keso palihim at secret na ang balikan nila. The support group ni Kathryn lead by her family is solid.”

 

 

“Grabe naman kaseng makadikit si DJ, parang walang nangyari. He should have given Kathryn the SPACE needed. Maka galaw very controlling pa rin. Bye Daniel!”

 

 

“Big step si Kathryn for this. Ganun naman talaga pag nasaktan ka, minsan you have to cut-off ties to move on 💯 If you think it will help you get inner peace, then do it for yourself. I hope she won’t get judged for this and that people would be more understanding.”

 

 

“Bakit ngayon lang nya in-infollow? dapat sana nung pag labas pa lang ng statements nila agad unfollow.”

 

 

“I think Kath is enjoying her new found freedom which is good for her. It radiates sa aura nya.”

 

 

“Huwag mo talagang pupunuin ang babae like Kath. Kapag umayaw yan, ayawan na talaga. Period.”

 

 

“May mga lalake kasi na ganyan m. Pag alam nilang mahal na mahal sila ng babae akala nila pag nagkasala ganun ganun na lang. I admire girls like Kath na sobra magmahal but know.”

 

 

“Halata namang naiirita na siya. The guy doesn’t know how to respect personal boundaries. Dun ka sa malayo, Daniel!!!”

 

 

“Mukhang malalim ang sugat na dala ni Daniel sakanya. Ito namang daniel todo promo parin Todo like sa mga IG pics ni Kath.. halatang my problema.”

 

 

“Oh ayan na ang naka-move on na si Kath. Hindi na siya tinatablan ng pagpapa-awa ni Daniel. Saka yun kapag may event na buntot na buntot si Daniel, eh halatang naiirita o naiinis na siya kaso ayaw niya lang pahiyain si Daniel, kaya she’s very professional.”

 

 

“Ayan sana natuldukan na din yung mga ilusyon ng mga delulu fans. happy for you kath!”

 

 

Samantala, hindi lang pala si Daniel ang in-unfollow ni Kathryn, dahil maging ang mga taong naging malapit sa kanilang dalawa tulad nina Gillian Vicencio, Liza Soberano at Julia Barretto.

 

 

Tanong tuloy ng marami, bakit daw nadamay pati sina Liza at Julia? Hindi naman daw sila na-link kay Daniel na tulad kay Gillian, ayon sa kumalat na tsika.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Dagdag-singil sa PhilHealth contribution, hiniling ng ACT Teachers partylist na suspindihin muna

    NANAWAGAN ngayon ang grupong ACT Teachers partylist sa mga kinauukulan na suspindihin muna ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa PhilHealth contribution.     Ito ay dahil pa rin sa bigat ng pasanin ngayon ng mga Pilipino sa gitna ng tuluy-tuloy na pagtaas sa presyo ng pangunahing mga bilihin, commodities, at services sa bansa.     Ayon […]

  • Ads May 26, 2021

  • CSB, JRU riot sa NCAA

    NAUWI sa rambulan ang laban ng College of Saint Benilde at Jose Rizal University dahilan upang ipatigil ito ng pamunuan ng liga kahapon sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.     Lamang ang Blazers sa iskor na 71-51.     Kaya naman idineklarang panalo ang Benilde para […]