TARGET NA 1 MILYON LIBRENG FACEMASK NAKAMIT NA NG MANILA LGU
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
NAABOT na ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang paggawa ng 1 milyon target na face mask na ipinamahagi ng libre sa mga residente ng lungsod.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na magdadagdag pa ng panibagong 500,000 na face mask upang maipamahagi pa sa mas maraming Manilenyo.
Matatandaan na nagsimula ang paggawa at pamamahagi ng libreng face mask nitong buwan ng Hunyo sa pamamagitan ng Face Masks Sewing Livelihood Program ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Dir. Fernan Bermejo.
Layunin ng naturang programa na magkaroon pagkakataon na kumite ang mga Manilenyong marunong manahi at magtabas (cutter) ng tela upang gawing face mask at maipamahagi ang mga ito ng libre sa lahat ng residente ng lungsod.
Pinasalamatan naman ni Domagoso si Unibersidad de Manila President Malou Tiquia sa pagpapahiram ng kanilang mga kung saan nakalagay ang mga makina at cutting tables sa paggawa ng mga nasabing face mask.
Maging ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau at mga staff ng Office of the Mayor ay pinasalamatan ng alkalde dahil sa kanilang pagdedeliber ng mga face mask sa bawat barangay sa Maynila. (GENE ADSUARA )
-
Utos ni PBBM, patuloy na pagbabawas sa import duty rates sa bigas, mais at karne
PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang modipikasyon o pagbabago sa rates ng import duty sa bigas, mais at meat products hanggang Disyembre 2024 upang masiguro na abot-kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon at African Swine Fever. Sa paglagda sa Executive Order No. […]
-
PDu30, nilagdaan ang batas na magtatatag ng heritage zones sa Cebu, Ilocos Sur
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang dalawang batas na magdedeklara at magtatatag ng heritage zones sa Cebu at Ilocos Sur. Nakasaad sa Republic Act (RA) No. 11644 o Carcar City Heritage Zone Act ang pagdeklara sa City of Carcar sa Cebu Province bilang heritage zone. “As such, it shall be […]
-
Mojdeh pasok na naman sa World Cup Finals
SA IKALAWANG pagkakataon, masisilayan sa finals si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa 2024 World Aquatics Swimming World Cup third leg na ginaganap sa Singapore. Muling aarriba sa finals si Mojdeh sa pagkakataong ito sa women’s 400m Individual Medley kung saan makikipagsabayan ito sa mahuhusay na tankers sa mundo. […]