Target na 200-M COVID-19 vaccinations ng Amerika, naabot na
- Published on April 23, 2021
- by @peoplesbalita
Masayang inanunsyo ni United States President Joe Biden na naabot na ng kanyang administrasyon ang target nito na mabakunahan ang 200 milyong Amerikano laban sa coronavirus disease.
Inanunsyo ni Biden na 200 milyong mamamayan na ng Amerika ang nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa loob lang ng 100 araw nito bilang pinuno.
Ang nabanggit na bilang ay doble pa sa initial goal na 100 million vaccinations sa loob ng 100 araw. Tinawag ito ni Biden na isang “incredible achievement” para sa Amerika.
Ibinahagi rin nito na magiging available na ang tax credits sa mga employers na babayaran pa rin ang kanilang mga empleyado na umabsent para magpabakuna.
Ayon sa Democratic president, walang sinumang Amerikano ang dapat mabawasan ng sahod dahil lang sa pagnanais nilang magpabakuna.
Kasama sa tax credits ang mga kumpanya na may 500 empleyado, kabilang din sila sa $1.99 trillion American Rescue Plan na nilagdaan bilang batas ni Biden noong nakaraang buwan. (Daris Jose)
-
Bong Go: Sakit sa puso ‘top killer’ sa Pinas kaya mahalaga ang RSC, SHC
BINIGYANG DIIN ni Senator Christopher “Bong” Go ang mahalagang papel ng Republic Act No. 11959, kilala rin bilang “Regional Specialty Centers Act”, bilang tugon sa nakababahalang istatistika na ang sakit sa puso ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas. Pangunahing itinaguyod ni Go at isa sa mga may-akda sa Senado, ang batas ay […]
-
Higit P.6M droga nasabat sa Caloocan drug bust, 2 timbog
NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P.6 milyong halaga ng droga sa dalawang drug suspects matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Bebe”, 23 ng Brgy. 120 at alyas “Bong”, 53 ng Brgy. […]
-
Mga guro, non-teaching personnel obligadong magparehistro sa PhilHealth– CHED
Ginagawang requirement sa ngayon para sa mga guro at non-teaching personnel na makikibahagi sa limited face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad ang pagpaparehistro sa PhilHealth, ayon sa Commission on Higher Education (CHED). Sinabi ni CHED Executive Director IV Atty. Cinderella Jaro na ang hakbang na ito ay magtitiyak na kapag tamaan man […]