• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Target na maipatupad ang 3-strike ng Radio-Frequency Identification o RFID

Sa darating na Pebrero 22, 2021 target na maipatupad ang 3-strike policy para sa mga motoristang gumagamit ng Radio-Frequency Identification o RFID.

 

 

Ito ang kinumpirma ni Transportation Usec. For Finance Garry de Guzman sa pagdinig ng House Committee on Transportation.

 

 

Ayon kay de Guzman, hindi pa nasisimulan ang polisiya dahil magkakaroon muna sila ng dayalogo sa toll operators ng EasyTrip (Metro Pacific Tollways Corporation) at AutoSweep (San Miguel Corporation) sa Pebrero 18 hinggil sa panukalang 3-strike policy at kung handa na bang maipatupad ito.

 

 

Sinabi pa ni de Guzman na inatasan ang dalawang operators na magkaroon ng information dissemination kaugnay sa 3-strike policy upang hindi mabigla ang mga tao at maiwasan ang kalituhan.

 

 

Pinatutugunan na rin sa MPTC at San Miguel Corporation ang isyu ng loading at hindi gumaganang reading para sa RFIDs, na inirereklamo ng mga motorista.

 

 

Sa naturang polisya, kapag ang RFID user ay lumabag sa unang pagkakataon, paaalalahanan muna siya at sasabihang mag-load. Sa ikalawang paglabag, final warning na at sa ikatlong paglabag, huhulihin na.

 

 

Ito ay layong mapigilan ang mga motoristang paulit-ulit na lumalabag sa hindi paglo-load o pagkakabit ng RFID, na nagdudulot naman ng malaking abala sa iba.

 

 

Maaalala rin aniya ang nangyari sa CAVITEX noong Dec. 2020 kung kailan 27,000 na mga motorista ang dumaan nang walang load. Mayroon ding tatlong motorista na dumaan ng 300 beses sa toll sa loob ng isang buwan, na palaging walang load.

 

 

Sa report ni de Guzman, humigit kumulang limang milyon na ang RFID users sa kasalukuyan.

 

 

Hanggang nitong Enero, nasa 2.5 million ang RFID users ng AutoSweep habang 2.2 million naman sa MPTC. Sa NLEX ay nabawasan ang RFID users dahil ibinalik ang cash lanes.  (ARA ROMERO)

Other News
  • Marcos, nangakong tatapusin ang infra projects ‘ sa tamang oras

    NANGAKO si  Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatapusin niya ” sa tamang oras” ang  infrastructure projects sa panahon ng kanyang administrasyon.     “We will continue to build, I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit. I want to build on the success that’s […]

  • Ads December 27, 2024

  • Gumaganap na malditang anak sa ‘Lola Magdalena’: HARLENE, kinabahan nang minura-mura at inapi-api si GLORIA

    NAKIPAGSOSYO si Harlene Bautista with her Heaven’s Best Entertainment sa BenTria Productions ni Engineer Benjie Austria para sa pelikula nina Inigo Pascual at Allen Dizon, ang ‘Fatherland.’       Kaya tinanong namin si Harlene kung ano ang satisfaction niya from producing a film than being an actress.       “Ano kasi, ako siguro […]