• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Target na pamamahagi ng land titles para sa taong 2023, maaaring sumobra

MAAARING sumobra sa target na pigura ng pamahalaan ang ipamamahaging land titles para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ito ang “best christmas gift” ng pamahalaan sa mga ARBs.

 

 

Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos  ang  distribusyon ng  2,779 land titles sa 2,143  ARBs, mayroong 2,903 ektarya ng agricultural land sa  City of Passi, Iloilo.

 

 

“In the same manner, ito nga ‘yung aking sinasabi ang pag-deliver ng mga fertilizer, ng mga makinarya, mga facilities, ay makakatulong upang makamtan natin ang ating hinahanap at ang ating pinapangarap na magandang kinabukasan para sa ating mga magsasaka, para sa ating mga sinasaka at para sa susunod na henerasyon,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati.

 

 

“With the distribution of these titles in Western Visayas, in other areas, we are set to exceed our nationwide target for land distribution for the year 2023. So para sa akin, ito na ang pinakamagandang Christmas gift para sa ating lahat,” aniya pa rin.

 

 

Ang mga ipinamahaging land titles ay nagmula sa Support to Parcelization for Individual Titling (SPLIT) Project. Kabilang dito ang  2,687 titles  na mayroong  2,784 ektarya, inilaan para sa  2,062 ARBs, at maging ang 92 titles para sa bagong lupain na mayroong 118.7 ektarya, ipinamahagi sa  81 ARBs.

 

 

Matatandaang, nitong Hulyo,  nilagdaan ni Pangulong Marcos ang  New Agrarian Emancipation Act, na naglalayong payagan ang amortization ng “principal payments, interest at penalty” ng lupain na tinaniman ng mga magsasaka.

 

 

“The new law, or the Republic Act No. 11953, will benefit 610,054 agrarian reform beneficiaries (ARBs) as it writes off P57,557 billion of their loans,” ayon sa ulat.  (Daris Jose)

Other News
  • NBI kumikilos na vs mga nagpapakalat ng ‘No Bakuna, No Ayuda’ sa social media – Abalos

    Binalaan ni MMDA chairman Benhur Abalos ang mga nagpapakalat sa social media na hindi makakatanggap ng ayuda ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.     Ayon kay Abalos, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga aniya’y nanggugulo lang sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na makatulong sa mga residenteng apektado ng […]

  • Kakantahin ang first Christmas song: JK, may paandar na pangangaroling sa kanyang fans

    TUNGKOL sa male singers ang column items natin for today.   Una ay si Juan Karlos o JK Labajo.   Paandar ang pangangaroling ni JK ngayong Pasko sa kanyang fans, huh!   At hindi ito drowing dahil tinotoo niya na sinimulan niya sa isang senior citizen na masugid na tagahanga ni JK.   Bago pa […]

  • Paalala ni PBBM sa Air Force: Keep assets ‘ready’ for deployment

    PINAALALAHANAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos, Jr. ang Philippine Air Force (PAF) na panatilihin ang lahat ng assets na  “ready to go,” binigyang-diin ang mandato nito na maging  “first line of defense against external security threats”  ng bansa. Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay matapos niyang personal na  inspeksyunin ang tatlong  recommissioned C-130 units […]