TARGET ng gobyerno na mas mapaaga pa ang 1st phase ng operasyon ng Manila subway Project
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty Salvador Panelo, sa halip na February 2022 simulan ang unang yugto ng operasyon ng Manila Subway, pipilitin aniyang makapag- operate na ito ng December 2021.
Sinasabing taong 2025 naman inaasahang magiging fully operational ang proyekto na nagkakahalaga ng 3 daan, 55 punto anim na bilyong piso.
Ang underground railway project ay bubuuin ng 17 istasyon na inaasahang makakabawas ng malaking oras sa biyahe halimbawa mula Valenzuela hanggang sa NAIA 3.
Ang dati aniyang mahigit sa dalawang oras na biyahe mula sa Valenzuela depot hanggang NAIA 3 ay kakayaning makuha na lamang ng 45 minuto at itoy sa sandaling matapos na ang proyekto. (Daris Jose)
-
Sapat na pondo, available para sa agarang tulong matapos ang bagyong Kristine- DOF
TINIYAK ng Department of Finance (DOF) sa publiko ang ganap na kahandaan ng national government sa pananalapi para suportahan ang ‘relief and rehabilitation efforts’ sa mga lugar na winasak ng bagyong Kristine. Sa katunayan, ayon kay Finance Secretary Ralph G. Recto na may sapat na pondo ang gobyerno para gamitin sa agarang disaster response […]
-
2 tulak nalambat sa P24 milyong marijuana sa Navotas
NASAMSAM ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P2.4 milyon halaga ng marijuana sa dalawang hinihinalang drug pushers matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Ali James Erese alyas “Ali”, 20 ng 99 4E Hermosa […]
-
Teves Jr, tanggaling miyembro ng Kamara
PINATATALSIK ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo, si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr. Ayon sa alkalde, may isinumite na silang apela sa Kongreso upang tanggaling miyembro ng Kamara si Teves. “Meron pa po kaming ibang sinusulong sa Kongreso. Sana suportahan din […]