• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taripa sa electric vehicles, parts, babawasan

APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapyasan  ang taripa sa electric vehicles (EVs) para mapasigla ang demand sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

 

 

Ito ang naging desisyon ng National Economic Development Authority (Neda) board,  kung saan si Pangulong Marcos ang tumatayong chairman.

 

 

Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, inendorso ng Neda Board ang isang executive order na  naglalayong  baguhin ang  tariff rates sa  e-vehicles gaya ng  pampasaherong sasakyan, buses, mini-buses, vans, trucks, motorsiklo, tricycles, scooters, bisikleta, at iba pa.

 

 

Nakasaad sa  executive order,  ani Balisacan,  na babawasan ng hanggang  0% ang “most favored nation tariff (MFN) sa EVs gaya ng pampasaherong sasakyan, buses, vans, trucks, motorsiklo, at bisikleta, at mga parts nito sa loob ng  limang taon.

 

 

Ang kasalukuyang import duties ay 5% hanggang 30%.

 

 

Mula sa 5 %, nais ng NEDA board na ibaba sa 1% na  lamang ang taripa sa mga piyesa ng mga de kuryenteng sasakyan sa loob ng limang taon.

 

 

“The EO aims to expand market sources and encourage consumers to consider acquiring e-vehicles, improve energy security by reducing dependence on imported fuel, and promote the growth of the domestic e-vehicle industry ecosystem,” ayon kay Balisacan.

 

 

Layunin aniya ng EO na mahikayat ang mga motorist ana tangkilin ang mga de kuryenteng sasakyan.

 

 

“We want to encourage the adoption and the use of e-vehicles because that will address pollution issues and adaptation to climate change. We believe that’s the future,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang tariff rates  aniya ay susuriin  matapos ang isang taon para i-assess  ang epekto nito sa e-vehicle industry sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Panawagan ni ex-PRRD sa AFP na kudeta vs Marcos admin isang iresponsable at garapalang panawagan – ES Bersamin

    TINAWAG ng Malakanyang na isang garapalang panawagan na mag kudeta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa Marcos administration at talikuran ang kanilang sinumpaang tungkulin, para lamang umupo sa pinakamataas na pwesto ang anak nito na si VP Sara Duterte.       Ito ang tahasang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod […]

  • Ads April 19, 2022

  • 19 Siargao surfers lalaban sa La Union int’l tourney

    Labinsiyam na propesyonal surfers mula sa Siargao Island sa Surigao del Norte ang lalahok sa Enero 20 hanggang 26 sa World Surfing League (WSL) La Union International Pro.   “Nasa competition site na ang mga surfers natin since Jan. 16, Monday. Kailangan nilang gawing pamilyar ang surfing site lalo na ang mga alon ng Urbiztondo […]