Task force COVID-19 head Defense Sec. Lorenzana, nagpositibo sa COVID
- Published on April 12, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ngayon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo rin siya sa COVID-19.
Sa kanyang statement nitong Martes ng gabi iniulat ni Lorenzana, na siya ring head ng National Task Force against COVID-19, lumabas daw sa resulta ng kanyang RT-PCR test na siya ay positibo.
Dahil dito, pansamantala munang sasailalim sa isolation ang kalihim batay naman sa quarantine guidelines.
Kaugnay nito, inabisuhan na rin daw ang mga taong na-expose sa kanya.
Sa kabila nito, ang Department of National Defense ay magpapatuloy pa rin sa kanilang trabaho sa pamamagitan ng skeleton workforce upang matiyak ang pagseserbisyo sa taongbayan.
“The result of my RT-PCR test today, 06 April 2021, came up positive. I will be undergoing isolation, following the quarantine guidelines to avoid infecting others. Those who have been exposed to me have been informed. They have been advised to isolate and get tested for COVID-19 as well,” ani Lorenzana sa statement. “I would like to remind everyone that the threat of the virus is as real as ever, more so now due to the new variants. Let us all cooperate and abide by the prescribed health protocols to help in curbing the spread of COVID-19. Be safe everyone!”
Kasabay nito, nagpasalamat pa rin si Lorenzana na kahit daw papaano siya ay asymtomatic.
Kung maalala nito lamang nakalipas na linggo nagpositibo rin sa COVID-19 ang tinaguriang contact tracing czar na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Habang ang task force spokesman naman na si Secretary Harry Roque ay kagagaling lamang sa pagpapagaling din sa virus.
Ang sunod-sunod na pagkahawa ng ilang top officials ng IATF ay sa gitna na rin nang “surge” ng COVID cases sa bansa kung saan noong April 2, 2021 ay naitala ang record breaking na mahigit sa 15,310 na COVID infections. (Gene Adsuara)
-
Sa Bali, Indonesia magaganap ngayong July: MAJA, ‘di pa rin mabanggit ang ilang detalye sa kasal nila ni RAMBO
ILANG detalye sa nalalapit na kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang hindi pa rin talaga mabanggit ng aktres bilang pa-surpresa naman siguro nito para sa mismong big day nila sa July. Though, given naman na sa naturang buwan at sa Bali, Indonesia nga ang kasal. Pero inamin naman ni Maja […]
-
PAGCOR, maghahanap ng bagong “revenue source”
KUMPIYANSA ang Malakanyang na makahahanap ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng bagong “revenue source”matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “tuldukan” na ang online sabong operations sa buong bansa. Ayon sa PAGCOR, aabot sa P6 bilyong piso ang magiging “revenue loss” mula sa E-sabong ngayong taon. “Tiwala […]
-
Espesyal na pagbati ni DAVID kay SHAINA, kinakiligan ng netizens
MAY something ba kina David Chua at Shaina Magdayao? Espesyal kasi ang pagbati ni David ng happy birthday kay Shaina kung saan ibinahagi ni David ang ilang litratong kuha mula sa ginawa nilang birthday surprise kasama ang kanilang mga cast members ng kanilang Net25 sitcom na ‘Good Will’. May caption ang mga Instagram […]