• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Task Force PhilHealth, kailangang maging maingat sa imbestigasyon

KAILANGANG maging maingat ng Task Force PhilHealth sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa uma­no’y overpriced purchase ng IT system na umabot ng P2 billion.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kailangan na mayroong matibay na  ebidensya at hindi lamang testimonya dahil medaling magsalita.

 

Kailangan aniya ay  “backed up by documents, paper trail.”

 

“Alam mo, ‘yung pag-iimbestiga at kung gusto mong maghabla ng mga taong sa tingin mo ay may kasalanan, kailangan mayroon kang ebidensya, hindi lamang testimonya, kasi madaling magsalita. Kailangan ‘yun ay backed up by documents, paper trail. Kasi sasabihin mo, ‘yan sangkot ‘yan dito, iyan nagre-release ng ganito, kung salita lang, pero wala naman sa dokumento, wala sa papel, eh di-dismiss lang ‘yan ng hukuman,” ayon kay Sec. Panelo.

 

Kaya kailangan na  maingat ang Task Force diyan.

 

Sa ulat, kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na target ng Task Force PhilHealth na maisumite sa Setyembre 14 ang report sa imbestigasyon hinggil sa PhilHealth controversy.

 

Ito ang inilahad ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Usec Markk Perete na kakayanin ng task force na makaabot sa 30-araw deadline.

 

Dagdag ni Perete na partikular na binusisi ng task force ang mga claim na hindi napipigilan ang IT system ng PhilHealth ang fraud gayundin ang maliit na bilang ng mga kasong administratibo at kriminal na naihain laban sa mga tiwaling opisyal ng ahensiya.

 

Nilinaw ni Perete na kahit makapag-submit na sila ng ulat sa Pangulo ay malaki ang posibilidad na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kahit tapos na ang ibinigay sa kanilang 30-days period.

 

Sinabi rin ni Perete na sa ngayon balak ng task force na irekomendang magkaroon ng balasahan sa buong sistema ng PhilHealth para masolusyonan ang isyu sa katiwalian. (Daris Jose)

Other News
  • Suplay ng tubig sa NCR, sapat sa gitna ng nakaambang El Niño -MWSS

    PINAWI ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pangamba ng publiko sa agam-agam na posibleng kakulangan sa suplay ng tubig sa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon ngayong taon.     Ayon sa ahensiya, mayroong sapat na kapasidad ang Angat dam para matustusan ang kinakailangang tubig sa Metro Manila para sa nalalabing buwan ngayong […]

  • Pangangaroling bawal sa Valenzuela

    IPINAGBABAWAL muna sa sinumang indibidwal o grupo na magsagawa ng pisikal na pangangaroling sa Valenzuela City simula Disyembre 1 hanggang Enero 2, 2021, alinsunod sa Ordinace No. 824 Series of 2002.   Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ito’y bilang bahagi pa rin ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19 habang pinapayagan naman aniya ang pangangaroling na […]

  • PM Kishida nag-host ng banquet para kay PBBM, ASEAN leaders

    IN-ENJOY mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng iba pang Southeast Asian leaders ang Japanese hospitality nang handugan ni Prime Minister Fumio Kishida  ang mga ito at kani-kanilang mga asawa ng banquet sa Asakasa Palace sa Tokyo, Biyernes ng gabi, Disyembre 16.     Si Kishida at kanyang asawa na si  Kishida Yuko, ay […]