• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatanggi sa COVID-19 testing sa Malabon huhulihin, kakasuhan

Huhulihin at kakasuhan ang mga indibiduwal na tatanggi sa mass testing na ipinatutupad ng Malabon City.

 

Batay sa napagkasunduan ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Di­seases (MCTF-MEID) huhulihin at ikukulong ang mga ayaw magpa-test particular ang mga kasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).

 

Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang istriktong ipatupad ang mass testing. Isa ay ‘Disobedience to a Person in Authority’ o pagsuway sa awtoridad sa ilalim ng Revised Penal Code.

 

Maaari ring kasuhan ang sinumang tatangging magpa-test ng ‘Non-cooperation’ ayon sa Republic Act No. 11332 o ‘Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act’.

 

Ani dela Cruz, kailangan na nilang higpitan ang implementasyon sa COVID testing upang malabanan ang pagkalat ng nasabing virus.

 

Sa ilalim ng mga nasabing batas, hindi maaaring tumangging makipag-tulu­ngan sa mga kinauukulan ang mga taong natukoy na apektado ng sakit.

 

Aniya, hindi maaaring gamiting depensa ang “Data Privacy Act of 2012” upang tumangging magpa-test, dahil pinapayagan ng batas ang paggamit ng personal na impormasyon upang tugunan ang isang national emergency, sumunod sa mga pangangailangan ng kaayusan at kaligtasan, o tuparin ng awtoridad ang kanilang tungkulin.

 

Isa ang mass testing sa mga natukoy na epektibong gawin upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19. Kasama nito ang contact tracing, isolation, at treatment. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Poster ng ‘Voltes V: Legacy’, spotted sa tren sa Japan: Direk MARK, feeling grateful at tinawag na ‘priceless’ moment

    SPOTTED sa Tokyo, Japan ang balita tungkol sa upcoming megaserye ng GMA Network na “Voltes V: Legacy.”     Sa Instagram post ni Direk Mark Reyes, makikita ang screen sa isang tren kung saan inilabas ang poster at news tungkol sa live-action adaptation ng Kapuso Network.     Dahil diyan, feeling “grateful” si Direk Mark […]

  • 3 tulak arestado sa P400K shabu sa Caloocan

    KULONG ang tatlong drug personalities, kabilang ang isang listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ni Ditrict Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Dennis Odtuhan ang naarestong suspek […]

  • Matapos makuha suporta nina VICE GANDA at HEART: POKWANG, kasama na sa humahabang listahan para kay CHEL DIOKNO

    IDINAGDAG ng komedyanteng si Marietta Subong, o mas kilala bilang Pokwang, ang kanyang pangalan sa humahabang listahan ng mga artistang sumusuporta kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno.     Noong Martes, nag-tweet si Pokwang ng “Dios mio panginoong mahabagin!! mag @ChelDiokno nalang ako!! kaloka sabi nga ni Gary V, dina natuto….”   […]