Tatay na pumatay sa anak sa Navotas, himas-rehas
- Published on May 8, 2024
- by @peoplesbalita
HIMAS-REHAS ngayon ang 61-anyos na lalaki matapos mapatay sa saksak ang kanyang sariling anak sa Navotas City.
Sa ulat ni P/MSg. Allan Bangayan kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, alas-3:45 ng Linggo ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang kinakasama ng biktimang si alyas “Ryan”, 35 at anak na babae ng suspek na si alyas “Nap” sa harap ng kanilang bahay sa Bicol Area, Brgy. Tanza 2.
Kapwa umano umawat sa naturang pagtatalo ang mag-ama hanggang sa pumasok ng kanilang bahay ang suspek.
Gayunman, nang paglabas ng suspek ay armado na ito ng patalim at kaagad tinarakan sa dibdib ang anak bago mabilis na tumakas dala ang ginamit na armas.
Kaagad namang isinugod ang biktima ng kanyang dalawang kapatid na babae sa Navotas City Hospital subalit, idineklarang dead-on-arrival.
Sa ikinasa namang follow-up operation nina P/Lt. Roberto Furuc, Commander ng Navotas Police Sub-Station-1 ay nadakip ang suspek dakong alas-6:05 ng gabi na mahaharap sa kasong Parricide. (Richard Mesa)
-
Tsina, sinusubukan na pagwatak-watakin ang mga Filipino gamit ang iginigiit nitong “gentleman’s agreement”- NSC
SINABI ng National Security Council (NSC) na ang salaysay ng Beijing ukol sa sinasabing ‘gentleman’s agreement’ sa West Philippine Sea (WPS) ay nakagagambala, nakalilito at naglalayon na pagwatak-watakin ang mga mamamayang Filipino. Kapuwa inihayag ng Tsina at ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na ang sinasabing pagkabigo ng Pilipinas na sumunod sa di umano’y kasunduan […]
-
Nonito Donaire Jr. laban kay Jason Moloney, ikakasa na
PATUTUNAYAN ni 40-year old Nonito Donaire, Jr. na hindi pa siya laos sa pakikipagbasagan ng mukha sa nakatakda nitong pagsubok makasungkit muli ng world boxing title. Inutusan ng World Boxing Council (WBC) na lumaban muli ang veteran boxer na si Nonito sa pro boxing, na naging kampeon na sa apat na weight division. […]
-
Skyway 3 bubuksan na sa December
MAGDARAOS ng soft oftening ang San Miguel Corp. (SMC) para sa pagbubukas ng bagong Skyway 3 expressway sa darating na December. Ayon kay San Miguel Corp. president at chief operating officer Ramon Ang na siya ay kumpyansa na ang SMC ay matatapos at magbubukas ang Skyway 3 kahit na maulan na siyang nakakaabala sa […]