Tax amnesty extension, naging ganap na batas
- Published on August 10, 2023
- by @peoplesbalita
NAGING ganap na batas na ang ipinasang panukalang batas na layong palawigin ang deadline ng pagkuha ng estate tax amnesty ng dalawa pang taon o hanggang June 2025.
Kahit wala ang pirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., “the availment of the estate tax amnesty lapsed into law on August 5.
Nakasaad sa Republic Act No. 11956, pinalalawig ang Estate Tax Amensty period ng hanggang Hunyo 14, 2025 at kasama rito ang estates o ari-arian ng mga namatay sa araw mismo o bago ang Mayo 31, 2022.
Naka-uploaded ito sa Official Gazette, araw ng Martes, Agosto 8.
Nakapaloob sa Section 4 ng batas na pinahihintulutan ang pagbabayad ng installment sa loob ng dalawang taon mula sa original payment date na walang kaukulang civil penalty at interest.
Ang pagbabayad ng amnesty tax ay maaaring gawin sa pamamagitan ng “electronically o manually, at the time the Return is filed with any authorized agent bank, Revenue District Officer through the Revenue Collection Officer or authorized tax software provider.”
Inaatasan naman ang Secretary of Finance, na makipag-ugnayan sa Commissioner ng Bureau of Internal Revenue, sa pagbalangkas ng rules and regulations sa loob ng 30 araw mula sa effectivity ng batas.
Ang nasabing batas ay magiging epektibo, 15 araw matapos ang publikasyon sa Official Gazette o sa dalawang pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)
-
Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda
Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang […]
-
Kelot timbog sa entrapment sa Valenzuela
ARESTADO ang isang 29-anyos na lalaki sa isinagawang entrapment operation ng pulisya makaraang tanggapin ang isang package na naglalaman ng hinihinalang marijuana kush sa Velenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong suspek na si Aaron James Bolivar ng […]
-
Mga suspek sa Salilig hazing, pinasasailalim sa BI watchlist
NAKIKIPAG-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) upang isailalim sa immigration lookout bulletin ang mga suspect sa pagkamatay ng hazing victim na si John Matthew Salilig ng Adamson University. Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kailangan na maalerto ang Bureau of Immigration upang mapigilang makalabas ng […]