• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TAX PAYMENT NG COMPUTER SHOPS SA NAVOTAS, PINAGPALIBAN

PINALAWIG ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang deadline para sa business permit renewal at pinayagan ang mga rehistradong computer shops na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng kanilang business tax para sa 2021.

 

Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na lahat ng business taxpayers ay maaaring magbayad ng ng kanilang buwis nang walang karagdagang bayarin hanggang Pebrero 28, 2021.

 

Batay naman sa City Ordinance No. 2020-52, pinalawig ang renewal ng business permit at pagbabayad ng business tax ng computer shops, internet cafes, pisonet at iba pang katulad na establisiyemento hanggang sa payagan na silang muling mag-operate.

 

Lahat ng multa, kabilang ang interes, ay ipinawalang-bisa habang epektibo ang extension.

 

“Businesses are still reeling from the impact of the COVID-19 pandemic. Many have folded, others have been trying to stay afloat. We hope to give them much-needed reprieve by offering them more time to settle their obligations,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

Magugunitang nagbigay ang Navotas ng tax refund sa taxpayers na nagbayad ng surcharges, penalties at interes sa lahat ng lokal na buwis at bayarin na nakatakda nang bayaraan o na-assess mula Setyembre 14, 2020 hanggang sa pagpapatupad ng City Ordinance 2020-45. (Richard Mesa)

Other News
  • P5 B off-ramp itatayo upang magkaroon nang mabilis na access sa NAIA

    ANG San Miguel Corporation (SMC), ang nanalong bidder sa rehabilitasyon ng NAIA ay naglaan ng P3 hanggang P5 billion para sa pagtatayo ng bagong off-ramp na magdudugtong sa NAIA Expressway papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.     Gagawin ang proyekto upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko at magkaroon ng magandang daloy ang […]

  • Gobyernong Duterte, hindi pinaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng PPE -Galvez

    TINIYAK ng pamahalaan na hindi nito pinapaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng personal protective equipment (PPE).     ”Noong panahon po na iyon, kahit na ang US, Canada at mga western countries, wala pong makunan ng face masks at PPEs—kumukuha po sila sa China. Hindi po natin fine-favor ang China kasi kung tutuusin po, […]

  • 2 alamat sa ‘Apprentice’

    TATASAHAN nina dating Mixed Martial Arts champion Georges St-Pierre ng Canada at jiu-jitsu legend US-based Brazilian Renzo Gracie ang 16 na kandidato sa Episode 2 ng The Apprentice: ONE Championship Edition.     Bantog din sa tawag na ‘GSP’ ang 39 na taong-gulang at may taas na 5-10 na si St-Pierredahil sa pagiging  isa mga […]