• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Taxi group humihingi ng P20 hike sa flagdown rate

SA GITNA ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong gasolina, ang mga taxi drivers at operators ay humihingi ng P20 hike sa flagdown rate.

 

Ayon kay president ng Philippine National Taxi Operators Association Bong Suntay sila ay umaapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagan na magtaas ang minimum na pamasahe sa taxi na sa ngayon ang flagdown rate ay P40.

 

“There’s an appeal coming from the taxi operators’ group for the flagdown rate to increase by P20. Sadly, there has been no response from the LTFRB. Various transport groups, from provincial bus operators to TNVs, have filed for fare increases. Up to this day, nothing has been resolved by the LTFRB,” wika ni Suntay.

 

Ang flagdown rate ngayon ay based pa rin sa dating presyo ng gasoline na P40-P45 kada litro samantalang ngayon ay tumaas na ito ng P82 hanggang P85 kada litro.

 

Ayon sa kanya ay masama ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa drivers at operators dahil halos ay wala na silang kinikita. Sa ngayon ang ibang drivers ay hind na pumapasada at halos lahat ay nagrereklamo na.

 

Wala naman magawa ng mga drivers at operators dahil hindi naman nila maitaas ang flagdown rate habang wala pa ang order ng LTFRB at hindi pa sila pinapayagan. Kung kaya’t naghihintay na lamang sila sa desisyon nito.

 

Pinaliwanag naman ni Suntay na hindi kailangan magkaron ng recalibration sa kanilang mga taxi meters dahil mas praktikal ng manatili ito sa dati dahil kapag magkaron ng pagbaba ng presyo ng gasoline ay hindi na ito kailangan dumaan sa muling recalibraton.

 

“We wanted a change in the flagdown rate so if the prices of fuel go down, it would be easier to give it back without the need of calibrating the meters of the taxis,” dagdag ni Suntay.

 

Samantala, inutusan naman ng Department of Transportation (DOTr) ang LTFRB na madalin nila ang pag evaluate sa mga pending fare hike petitions. Sinabi ni DOTr undersecretary Mark Pastor na mayron naman na existing mechanism at formula upang mas epektibong ma assess ang merit ng mga petitions. Sinigurado naman ni Pastor na madadaliin ng LTFRB ang evaluation ng kanilang mga petisyon.

 

Samantala, matapos ang P1 provisional increase ng pamasahe ng mga jeepney sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magsasagawa naman ng hearing sa petisyon ng Transport Network Companies (TNC) sa pagtataas ng pamasahe sa mga ride-hailing apps.

 

Sa darating na June 29 na gagawin ang hearing sa nasabing petisyon ng TNVS ayon kay LTFRB executive director Kristina Cassion.

 

Dagdag pa ni Cassion na kanilang masusing pag-aaralan ang petisyon sapagkat kailangan itong dumaan sa consultation at deliberations.

 

Naghain din ng petisyon ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) para sa pagtataas ng pamasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Ayon kay PBOAP executive director Alex Yague na ang mga operators ay hindi na nakakayanan ang mga tumataas ng presyo ng produktong petrolyo na kanilang ginagamit sa kanilang operasyon.

 

Ang PBOAP ay humingi ng P2.50 kada kilometro mula sa dating P2.20 o P.30 centavos kada kilometro. Ibig sabihin, ang isang pasahero na sasakay ng bus ay kinakailangan magbayad ng karagdagang P30 para sa 100 na kilometro na trip.

 

Kamakailang lamang ay inaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport groups na magkaron ng P10 provisional minimum fare sa mga public utility jeepney (PUJs).

 

Ang minimum na P10 fare ay ipapatupad sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa. Samantalang, ang ibang rehiyon sa bansa ay mananatiling P9 pa rin. LASACMAR

Other News
  • Bulls jersey ni Jordan posibleng mabili sa auction ng $500-K

    Inaasahan ng Goldin Auctions na mabibili sa kalahating milyong dolyar magiging presyo ng isa sa pinakahuling Chicago Bulls jersey ni NBA legend Michael Jordan.   Ang nasabing jersey ay sinuot ni Jordan noong ’97-’98 finals na siyang huling season nito ng makaharap nila ang Indiana Pacers.   Sinuot nito ang jersey noong game 3 and […]

  • Petisyon laban sa kandidatura ni Presumptive President Marcos, naihain na sa SC

    NAKARATING na sa Supreme Court (SC) ang petisyon para ipakansela ang certificate of candidacy (CoC) ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Humirit din ang mga petitioners sa Supreme Court (SC) na mag-isyu ang kataas-taasang hukuman ng temporary restraining order (TRO) para harangin ang pagbibilang ng mga boto at ang proklamasyon kapag ito […]

  • DINGDONG, binahagi ang nakaka-touch na birthday letter para kay ZIA at video ng kanilang jamming

    NAKAKA-TOUCH ang IG post ni GMA Primetime King Dingdong Dantes para sa unica hija niya na si Zia Dantes na nag-celebrate ng 6th birthday last November 23.     Idinaan uli ni Dingdong sa isang punum-puno ng damdamin na letter para sa panganay nila ni Marian Rivera-Dantes dahil wala nga siya sa kaarawan ng anak […]