• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TD ni Curry tunaw sa Heat

NAGSALPAK  si Jimmy Butler ng limang sunod na puntos habang kumamada si Max Strus ng 24 markers sa 116-109 pagsunog ng Heat sa nagdedepensang Golden State Warriors.

 

 

Tumapos si Butler na may 23 points at may 19, 17 at 13 markers sina Bam Adebayo, Duncan Ro­binson at Kyle Lowry, ayon sa pagkakasunod, para sa kanilang regalo sa ika-52 kaarawan ni Miami coach Erik Spoelstra.

 

 

“Huge for our confidence,” sabi ni Strus sa ikatlong panalo ng Heat sa walong laro.

 

 

Nagkaroon si Curry ng pagkakataong maitabla ang Warriors nang ma-foul ni Butler sa kanyang 3-point attempt.

 

 

Ngunit tumawag si Spoelstra ng challenge at matapos ang review ng mga referees ay binawi ang nasabing foul ni Butler kay Curry.

 

 

Sa Phoenix, tumipa si Cam Johnson ng 29 points kasama ang pitong triples sa 116-107 paggupo ng Suns sa Minnesota Timber­wolves.

 

 

Sa New York, humugot si Zach LaVine ng 20 sa kanyang 29 points sa fourth quarter sa paggiya sa Chicago Bulls sa 108-99 panalo sa Brooklyn Nets.

 

 

Bago naman ang laro ay inihayag ng Nets, may 2-6 record ngayon, ang pagsibak kay coach Steve Nash na pinalitan ni Jacque Vaughn.

 

 

Sa Oklahoma City, nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points sa 116-108 pagresbak ng Thunder sa Orlando Magic.

Other News
  • PSC problemado sa P1.6B unliquidated ng mga NSA

    SULIRANIN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lumolobong unliquidated accounts hindi lang mula sa mga national sports association (NSA) kundi sa mga pribadong ahensiya na inayudahan.     Base sa listahan ng PSC Audit Miyerkoles,   nasa P1,678,760,323.02 ang mga unliquidated account sapul pa noong Disyembre 31, 2020.     Nasa tuktok ng listahan ang nangasiwa […]

  • SUPORTA SA UNITEAM DUMAGUNDONG SA ‘TIGER CITY’

    NAG-UUMAPAW ang suportang binigay ng mga Mandalenyo kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang magsagawa ito ng proclamation rally sa kilalang bansag na ‘Tiger City” o sa Lungsod ng Mandaluyong.     Tanghali pa lang ay nakapuwesto na ang libo-libong mga supporters ng BBM-Sara UniTeam, samantalang alas singko ng hapon ‘saktong nagsimula ang programa […]

  • Kaya madaling nakatatawid sa ‘Pulang Araw’ at ‘Green Bones’: DENNIS, inaming ’special skills’ ang makapag-switch off agad sa bawat role

    EXCITED na rin kaming mapanood sa Araw ng Pasko ang “Green Bones” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, na mukhang lalaban din ng Best Film, base na napakagandang trailer na talaga namang pinalakpakan.     Isa nga ito sa 10 official entry sa ika-50 edition ng Metro Manila Film Festival na mula sa […]