• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teacher arestado sa intentional abortion

Isang school teacher na sinampahan ng kasong paglabag sa Article 256 of the Revised Penal Code o intentional abortion ng kanyang mister ang inaresto ng pulisya sa Navotas city.

 

 

Ang pagkakaaresto sa school teacher, na pansamantalang itinago ang pagkakilanlan ay base sa warrant of arrest na inisyu ni Navotas Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Frederick G. Separa ng Branch 118 para sa kasong intentional abortion.

 

 

Ayon kay Northern Police District (NPD) District Special Operation Unit (DSOU) OIC P/Maj. Amor Cerillo, maliban sa paglabag sa Article 256, nag-isyu din si Judge Separa ng isa pang warrant of arrest kontra sa school teacher para sa simple disobedience na may petsang December 9, 2020.

 

 

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng DSOU sa pangunguna ni P/Sgt. Allan Reyes sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Cerillo sa Champaca St., NBBS Proper, Navotas city dakong 1:40 ng hapon.

 

 

Ani Maj. Cerillo, bago ang isinampang kaso para sa intentional abortion, sinampahan muna umano ng school teacher ang kanyang mister ng paglabag sa R.A. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act matapos umano siyang bugbugin ng kanyang asawa.

 

 

Sinabi pa ng pulisya na nagsampa naman ng hiwalay na reklamo ang mister kontra sa kanyang misis para sa intentional abortion kung saan ang prosecutor ay nakakita ng sapat na batayan upang maiangat ang kaso sa MTC. (Richard Mesa)

Other News
  • Miami Heat pasok na sa NBA semifinals dahil sa 4-1 lead sa serye vs Atlanta Hawks

    PASOK na rin sa second round ng NBA playoffs ang Miami Heat o sa Eastern Conference semifinals matapos na talunin sa Game 5 ang Atlanta Hawks, 97-94.     Ang panalo sa serye ng Miami sa 4-1, ay sa kabila na hindi nakalaro ang dalawa nilang superstars na si Jimmy Butler at Kyle Lowry.   […]

  • DINGDONG at MARIAN, nagpakilig na naman sa viral Sunday kulitan; may nagwi-wish ng Baby #3

    MARAMI na naman ang kinilig sa pinost ni Dingdong Dantes sa nakaka-good vibes na Sunday bonding moment nila ni Marian Rivera.     Na-capture nga ang sobrang saya ni Marian, habang nakatitig naman si Dingdong, may caption ito ng, “Sunday kulitan in her new office. Naaaks…new office daw o!!        “Sometimes all we have […]

  • METRO MANILA FILM FESTIVAL 2020 ONLINE REVEALS PRICE & PLATFORM

    EARLIER last month, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) announced that the annual Metro Manila Film Festival (MMFF) will stream online.   We all know, watching films from the MMFF lineup has become part of Filipinos’ Christmas traditions.   But since we’re well aware of the risks regarding Christmas parties and other social gatherings, we […]