Team Asia may 2 panalo na lamang para magkampeon sa Reyes Cup Crown
- Published on October 19, 2024
- by @peoplesbalita
DALAWANG panalo na lamang ang kailangan ng Team Asia para makuha ang kampeonato ng Reyes Cup Crown.
Ang Asia Team ay mayroong 9-3 score matapos ang tatlong araw ng billiard games kung saan ang unang koponan na makakuha ng 11 points ay siyang magkakampeon.
Nitong Huwebes ay nagwagi ang Asia team sa score na 5-3 sa doubles match na pinangunahan ni Pinoy cue master Carlo Biado at Aloysius Yapp.
Bago nito ay tinapos ng doubles na sina Jayson Shaw at Francisco Sanchez Ruiz ang anim na larong panalo ng Team Asia ng pataubin sina Ko Pin Yi at Johann Chua ng Pilipinas sa score na 5-3.
Naniniwala naman si Pinoy billiard player Johann Chua na kayang-kaya ng Team Asia ang nasabing mga nalalabing laban.
Ang Reyes Cup ay itinaguyod bilang pagkilala sa Pinoy legendary billiard great na si Efren “Bata” Reyes.
-
PBBM, balik-Pinas matapos ang inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto
BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Lunes ng umaga matapos makiisa sa inagurasyon ni Indonesian President Prabowo Subianto. Sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ay lumapag sa Maynila ng alas-5 ng madaling araw, ayon sa Communications Secretary Cesar Chavez. Nakiisa ang First Couple sa ibang world leaders […]
-
PLM tops Physician Licensure Exam, alumnus lands 5th place
The Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) celebrates the strong performance of its alumni from the College of Medicine who passed the October 2021 Physician Licensure Examination. PLM logged the highest passing rate among all medical schools with a 98.06% passing rate, as 101 of its 103 test takers making the cut. […]
-
Ads July 2, 2022