• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Team Pacquiao, wagi sa MPBL All-Star 2020 3×3

HINATID ni Alvin Pasaol ang krusyal na puntos sa Team Pacquiao para mahakbangan ang Team Paras, 21-15, at pamayagpagan ang 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League All-Star 2020 3×3 nitong Huwebes sa SM Mall of Asia Arena, Pasay.

 

Nagbaon si Pasaol nang mahalagang may walong puntos at iuwi ng kaniyang koponan ang trophy kasama ang gantimpalang P100,000 cash. Umalalay si Ferdinand Ravena III ng 8 markers sa likod ng 10 ni Troy Rike.
“Sobrang sarap mag-3×3 game,” bulalas ni Ravena. “I haven’t played this game for a long time.”

 

Luhaan man ang Kobe squad nina Juan Gomez de Liano, Joshua Munzon, Marco Alcaraz at Gerald Anderson may TF pa rin silang P50,000.

 

At sa All Star Gamem sa parehas pa ring event, nagbuslo si Paolo Hubalde ng 11 pts. upang ialpas ang North vs South 3×3, 21-19.

 

Samantala, nakipkip naman ni David Carlos ang kampeonato niya sa slam dunk contest ng 3rd Chooks MPBL All-Star 2020 nang madomina ang mga katunggali nito.

 

Tampok sa tagumpay niya ang one-handed jam habang nakatayo sa ilalim ng basket ang apat na tao na kanyang daraanan kasama sina MPBL founder Sen. Emmanuel Pacquiao at anak Jimuel.

 

“Medyo na-surprise ako. Na-hype ni Nick yung crowd pero ang dami nang situations na ganito and I had to pull off something sa bag ko na makuha ko yung 80-90 percent. Maganda naman ang result,” lahad ni Carlos. “For me, magsisimula na yung season, mag-tour na kami, malaking event siya para ma-gauge kung nasaan ako, ano kailangan i-tweak sa technique at sa strength ko.”

 

May tropeo si Carlos pauwi kalakip ang biyayang P100,000. Pumangalawa si Nick Demusis ng Bacoor na may 2-handed slam sa tulong din Pacquiao, at pumangatlo si Chris Lalata ng Bicol.

 

Kaugnay ng nasabing espesyal na taunang All-Star League ay tinanghal din bilang 3rd MPBL All-Star 2020 3-point shootout champion si Lester Alvarez nang maka-24 points nitong Huwebes ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

Pinasok lahat ng Bulacan guard ang kanyang mga bola ikatlong rack na sinalpak lahat para masilat sina James Martinez ng Nueva Ecija (20 markers), at Jerom Garcia ng Bicol (17 pts.) upang maiuwi ang tropeo’t P50,000 cash prize.

 

Ikalawa’t ikatlo sina John Wilson ng San Juan at Mikee Cabahug ng Navotas na nakatig-18 pts., kasunod sina Rocky Acidre ng Bacoor at Jordan Rios ng Rizal na mayroong 15 each, Anton Asistio ng Zamboanga (13), Rhaffy Octubre ng Cebu (12), Robin Rono ng Zamboanga (8) at Mark Pangilinan ng Bacoor (7) na mga nakonsolasyunan ng P10,000 bawat isa. (REC)

Other News
  • Maraming mabubunyag sa ‘The Atom Araullo Specials’: ATOM, maglalakbay sa masalimuot na mundo ng POGO

    NGAYONG Linggo (Hulyo 21), maglalakbay si Atom Araullo sa malawak, malalim, at masalimuot na mundo ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa “The Atom Araullo Specials: POGO Land” na ipalalabas sa 3 p.m. sa GMA.       Sa nakalipas na mga buwan, nagsagawa ang mga awtoridad ng magkakasunod na pagsalakay sa mga POGO hub […]

  • Walk-in vaccination inilunsad sa Navotas

    Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine.     Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School.     “We did a […]

  • Ads January 23, 2023