• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Team Pilipinas sa Tokyo Olympics, emosyunal pa rin sa panalo ni Hidilyn ng gold medal’

Inamin  ng chef de mission ng Team Pilipinas sa Tokyo Olympics na si Mariano “Nonong” Araneta na maging sila ay emosyunal sa matinding panalo noong Lunes  ni Hidilyn Diaz sa weightlifting.

 

 

Naikwento ni Araneta na hindi lamang sila nagdarasal kundi maging ang mga kamag-anak nila sa Pilipinas ay tinatawagan din para samahan sila na ipagdasal ang mga atletang Pinoy na nakikipaghamok hindi lamang sa magagaling na mga atleta sa buong mundo kundi maging sa nakakahawang COVID-19.

 

 

Nagbalik tanaw din naman ang pinuno ng Team Philippines na swerte sa bansa ang Tokyo dahil noong 1964 Tokyo Olympics unang napanalunan ng Pilipinas ang kauna-unahang silver medal.

 

 

At ngayon naman daw ay umangat ang Pilipinas at gintong medalya na ang nakuha makalipas ang halos 100 taon na kampanya sa pinakamalaking sporting events sa buong mundo.

 

 

Samantala, hindi rin naman napigilang maging emosyunal at maiyak ng presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) na si Monico Puentevella matapos ang malaking panalo ni Diaz sa 55 kg women’s weightlifting sa Tokyo Olympics.

 

 

Ang dati rati’y ay energetic at madaldal na kausap na si Puentevella ay halos walang masabi at pautal-utal na lamang na nagkwento sa likod ng madramang face off kagabi ni Hidilyn laban sa mahigpit na karibal at dating world champion mula sa China.

 

 

Habang emosyunal at nagpapahid ng luha, ibinulalas ni Puentevella na 17 taon na rin silang nagkakasama ni Diaz sa mga sports competitions at maraming hirap ang dinanas, kasama na ang apat na Olimpiyada.

 

 

Dugo at pawis umano ang pinuhunan ni Diaz para marating ang rurok ng tagumpay ngayon.

 

 

Inamin nito na halos wala pa rin siyang tulog mula pa kagabi at “napakasarap” daw ng pakiramdam na ang laban ni Diaz ay para sa bayan.

 

 

Sa wakas nakamit din daw ng bansa ang napakailap na gintong medalya matapos ang halos 100 taon na kampanya sa Olimpiyada.

 

 

Aniya, dahil daw sa tagumpay na ito maging siya man ay iniisip na ring magretiro.

 

 

Samantala, hindi agad makapaniwala si Diaz na kanyang nagawa ang bagong Olympic record sa weightlifting para ibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang gold medal.

 

 

Kuwento ni Diaz, 30, maging ang naitala niyang record nang buhatin ang 127 kg ay noong una ay hindi niya pinapanpansin.

 

 

Sa training pa lamang daw kasi ay hirap din siyang buhatin ang ganoong kabigat.

 

 

Una rito, napuno ng drama at makapigil hininga ang face off niya sa world champion at dating record holder mula sa China nang mabuhat nito ang barbel sa clean and jerk event sa 55 kilogram weightlifting.

 

 

Todo rin naman ang pasalamat ni Hidilyn sa Poong Maykapal na naging gabay niya dahil sa dinaanan daw niyang hirap sa buhay.

Other News
  • Magkamukha raw kaya papasa na magkapatid: YASMIEN, fan na fan na ni BEA bago pa mag-artista

    MASAYA ang isinagawang red-carpet screening and mediacon para sa upcoming Philippine adaptation ng Korean-drama na “Start-Up PH” sa Robinsons Galleria Cinema 2, dahil maraming kuwento ang mga bumubuo ng cast na most of them, ngayon lamang nagkatrabaho.       Si Yasmien Kurdi ang unang nagkuwento ng tungkol sa pagiging fan daw niya ni Bea Alonzo […]

  • ANDREA, ayaw munang magsalita sa maingay na pagtatambal nila ni John Lloyd sa isang sitcom

    PINAG-UUSAPAN na ang pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz.     Kumpirmado na nga itong mapapanood sa GMA-7 instead na sa ABS-CBN na ever since ay home network niyang talaga.     Kasama si Willie Revillame at under sa production ni Willie for a Shopee special muna mapapanood si John Lloyd na sa GMA lalabas. […]

  • LTO nag – iisue na ng 10-year driver’s license

    Ang Land Transportation Office (LTO) ay nagisimula ng magbigay ng 10-year driver’s license noong nakaraang November 3 sa kanilang lahat ng sangay sa National Capital Region (NCR).       Ang lahat ng mga motorista na magpapaso ang driver’s license at magrerenew at kung wala naman silang traffic violation na nagawa ay kualipikado na kumula […]