Ten years na silang magkasama: VIN, dasal palagi na ‘di mangyari sa kanila ni SOPHIE ang nangyari kina ALJUR at Kylie
- Published on March 13, 2023
- by @peoplesbalita
READY na raw ni Juancho Trivino ang pagdating ng second baby nila ng misis na si Joyce Pring.
Malapit-lapit na raw ang due date ni Joyce, kaya all hands on deck sila para maayos ang lahat sa pagdating ng second angel nila.
“Lahat ng makakaya naming gawin as of now pa lang, ginagawa na namin like ‘yung hospital bag niya, saka siyempre all the leaves at saka ‘yung mga advanced na materials that we need to shoot para tuloy tuloy pa rin yung social media namin kahit nagpapahinga siya,” sey ni Juancho.
Inamin ng Sparkle actor na may kaba siya dahil father of two na siya.
“Trying to gather myself pa lang. Sinabi sa’kin ng mentor ko na kapag isa pa lang ‘yung anak n’yo, two on one kayo. Pero ‘pag dalawa na, man to man na ‘yan,” tawa pa niya.
Pahinga raw muna sa paggawa ng teleserye si Juancho after ng ‘Maria Clara At Ibarra’ kunsaan hinangaan ng marami ang pagganap niya bilang si Padre Salvi. Focus daw muna siya sa malapit na panganganak ng kanyang misis.
***
AYAW paapekto si Vin Abrenica sa mga negative comments ng netizens tungkol sa kuya niyang si Aljur Abrenica.
Kahit hiwalay na raw sina Aljur at Kylie Padilla, nanatili pa rin siyang close sa sister-in-law niya at kinatutuwa niya ang pagiging magkaibigan ng dalawa.
Mas naging close nga raw sila ni Kylie dahil magkasama sila sa GMA mega serye na ‘Mga Lihim Ni Urduja’.
Sey ni Vin: “Ishi-share ko lang, para you get a glimpse of how me and Kylie, our relationship is. We bring our children sa mall to play as a date. We go out like that. And also si Kylie, noong nakatira ako kay kuya and Kylie was always on my brother’s place, naging close na kami. Tumira rin kami together ni Kylie in one house.”
Noong magkaroon daw ng marital problems sina Aljur at Kylie, hindi naman daw nabago ang pakikitungo ni Kylie sa kanya.
“Kung ano man ang nangyayari sa kanila I got so hurt with that. I got so affected. But kung ano man ang nangyayari sa kanila, wala kaming ilangan ni Kylie. We’re close. Masaya. I mean it’s a good way din to, ‘di ba? Get all the things behind us. I mean, hindi naman ‘yun makakaapekto sa trabaho.”
Dasal parati ni Vin na hindi mangyari sa kanila ng misis niyang si Sophie Albert ang nangyari kina Kylie at Aljur. Ten years na raw silang magkasama at wala raw sanang magbago sa samahan nila.
“Sophie is the best woman I could think of. She’s so smart, so polite, she makes me feel like I’m so secure. Kaya I’m doing my best talaga to be someone na deserve niya. There’s a reason for everything that I do now.
“Meron nang dahilan, may dahilan ako kung bakit ako gumigising, may dahilan ako kung bakit ako nagbubuhat, may dahilan kung bakit ako nagtatrabaho. Lahat ng ginagawa ko ngayon may dahilan at siya ‘yon. Napakasarap. It’s so rewarding.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
‘Downton Abbey: A New Era’ Now Screening Exclusively at Ayala Malls Cinemas
DOWNTON Abbey: A New Era, the much-anticipated cinematic return of the global phenomenon reunites the beloved cast as they go on a grand journey to the South of France to uncover the mystery of the Dowager Countess’ newly inherited villa. The film is directed by Simon Curtis and written by Julian Fellowes. The […]
-
Mga paliparan, pantalan at terminal sa Metro Manila ininspeksiyon ng NCRPO
PERSONAL na ininspeksyon nitong Linggo ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major General Edgar Alan Okubo ang mga paliparan, daungan at terminal sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na mag-uuwian para sa Semana Santa. Inalam ni Okubo ang sitwasyon sa seguridad sa NAIA T3, Five Star Bus Liner, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), […]
-
Jose, gaganap na kapatid niya: VIC, babu na muna sa pagiging ‘daddy’ sa bagong sitcom
BABU muna si Bossing Vic Sotto sa pagiging ‘daddy’ sa papel niya bilang si Boss EZ sa ‘Open 24/7’ ng GMA. “Ang pinaka-role ko rito ay kung papaano makiki-interact sa dalawang generations; millennial at yung mga Gen Z. “Alam naman natin na iba na ang mga pananaw ng mga kabataan ngayon […]