• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tennis star Kei Nishikori, umatras sa US Open tune-up matapos dapuan ng COVID-19

Inanunsyo ni Japanese tennis star Kei Nishikori na umurong na ito sa lalahukan sanang tune-up tournament sa New York makaraang magpositibo sa COVID-19.

 

Ito’y dalawang linggo bago magsimula ang US Open sa Agosto 31.

 

Ayon sa dating world No. 4, nananatili ito ngayon sa IMG Academy sa Bradenton, Florida, at hindi na rin ito sasali sa Western & Southern Open na isang tune-up tournament bago ang Grand Slam.

 

“This morning while still in Florida, I got tested for COVID-19 and tested positive,” saad sa pahayag ni Nishikori. “I will have to pull out of the Cincinnati tournament at this time.

 

“We were planning to fly to New York tomorrow but will obviously now stay in Florida.”

 

Dagdag ni Nishikori, mayroon lamang daw itong “very little symptoms” pero nakatakda itong sumailalim sa self-isolation.

 

Ilang mga manlalaro na rin ang umatras sa US Open ngayong taon dahil sa pangambang kapitan ng coronavirus na dumapo na sa mahigit 5.3-milyong katao sa Estados Unidos.

Other News
  • Top 2 at 3 Most Wanted Person sa Navotas, nalambat

    BINITBIT sa loob ng selda ang dalawang lalaki na listed bilang top 2 at 3 most wanted sa Navotas City matapos matimbog sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya, kamakalawa sa naturang lungsod.     Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong ala-1:05 ng hapon nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Navotas […]

  • Sa bonggang back-to-back episodes ng #SuperAte: Sen. IMEE, ipasisilip ang mga natunghayan sa pagbisita sa French capital

    DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang mga vlog followers sa isang Parisian adventure ngayong weekend sa super back-to-back episodes na kung saan ipasisilip niya ang katatapos lang na pagbisita niya sa French capital.  Una, binisita ni Sen. Imee ang sikat na Pére Lachaise Cemetery, na libingan ng ilan sa mga greatest thinkers at artists […]

  • Ex-PDEG chief, 48 pa kakasuhan sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

    NAKATAKDANG  isampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong kriminal at administratibo laban kina dating Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Director BGen. Narciso Domingo at 48 pang tauhan nito kaugnay ng umano’y ‘cover-up’ sa P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat mula sa lending company ni PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong […]