• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tennis star Naomi Osaka, buntis

Inanunsiyo ni dating world number one tennis star Naomi Osaka na ito ay buntis kaya hindi na ito maglalaro sa Australian Open sa susunod na linggo.

 

Sinabi nito na magbabalik lamang siya sa paglalaro kapag naisilang na niya ang anak.

 

Huling naglaro ito ay sa Pan Pacific Open sa Tokyo noong Setyembre.

 

Mula sa pagiging ranked number 1 noong 2019 ay nasa ranked number 47 na ito ngayon.

 

Nagwagi ito ng apat na Grand Slam singles titles na kinabibilangan ng Australian Open noong 2019 at 2021 at ang US Open noong 2018 at 2020.

 

Hinirang din siya bilang world’s top-earning female athlete ng 2022 ng Forbes kung saan kumikita ito ng $511 milyon. (CARD)

Other News
  • Panibagong round ng fuel subsidy ipalalabas sa buwan ng Abril- DBM

    NAKATAKDANG ipamahagi ng pamahalaan ang panibagong round ng subsidiya para sa public transport drivers at delivery riders, at diskwento para sa agriculture sector sa darating na Abril.     Isa pang P2.5 bilyong piso ang inilaan para sa subsidiya para sa public utility vehicle (PUV) drivers at P600 milyong piso naman para sa agriculture sector. […]

  • LTFRB nakahanda sakaling matuloy ang tigil-pasada

    TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na sila ay nakahanda sa bantang tatlong araw na tigil-pasada ng ilang transport group kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ayon kay LTFRB Board Member Mercy Jane Leynes, na magpapakalat sila ng mga sasakyan […]

  • Checkpoint operations sa mga boundaries ng NCR Plus bubble pinalakas pa – PNP

    Pinalakas pa ng PNP region 3 ang kanilang checkpoint operations sa mga boundaries patungo at palabas ng NCR Plus Bubble ngayong pinalawig ng isang linggo ang enhanced community quarantine sa mga nasabing lugar.     Ayon kay PNP PRO-3 regional police director BGen Val Deleon, kahit hindi kasama ang kaniyang area sa ECQ, kanilang sisiguraduhin […]