• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Terorismo sa Pinas, bumaba na

IPINAGMALAKI  ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon.

 

 

 

Ayon kay Galvez, 2018 nang laganap ang kidnapping sa bansa lalo na sa Mindanao subalit unti-unti itong nasasawata noong 2021 hanggang ngayon. Dahil sa pagbaba ng terorismo, nakatulong ito sa pag-angat ng economic activities sa bansa at pagbawas ng kahirapan.

 

 

 

Kasunod nito, pinasalamatan ni Galvez si Marles at ang Australian government dahil sa pagsasanay na ipinagkaloob sa mga sundalo sa pamamagitan ng mga joint military exercises.

 

 

 

Naniniwala si Galvez na sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ito, mas lalong lalakas ang kumpiyansa ng mga sundalo kasabay nang pagkakaroon nila ng mga makabagong kagamitan dahil sa mo­dernization program.

 

 

 

Dagdag pa ni Galvez, inaasahan niya ang joint patrol at training kasama ang mga kaibigan at kaalyadong bansa habang ang Pilipinas at Australia ay nakatakdang magtatag ng isang regular na Defense Ministerial Meeting (DMM). Mas magkakaroon ng kooperasyon ang Pilipinas sa Australia sa pamamagitan ng naval at air forces.

 

 

 

Sa panig naman ni Marles, sinabi nitong nagkasundo ang Pilipinas at Australia na mas palakasin pa ang kanilang Strategic Partnership na layuning magkaroon ng mas masagana at mas matatag na Indo-Pacific region kasama ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Other News
  • Ads August 28, 2024

  • 20 PNP quarantine control points itinalaga sa mga boundaries ng NCR-Plus Bubble

    Naglabas na ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga lugar na nilagyan nila ng quarantine control points.     Ito’y makaraang isailalim sa bubble general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite,Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19.     Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi […]

  • 1.2-B HALAGA NG IBA’T IBANG URI NG DROGA WINASAK NG PDEA

    WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency ang may halos isang tonelada ng iba’t ibang uri ng droga at mga kemikal na gamit sa paggawa ng mga ito na kanilang nasamsam sa iba’t ibang operasyon. Umaabot sa halagang P1,295,050,354.65 ang mga winasak na droga sa pamamagitan ng thermal composition o pagsunog sa isang makina sa may […]