Teves Jr, tanggaling miyembro ng Kamara
- Published on March 21, 2023
- by @peoplesbalita
PINATATALSIK ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo, si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves, Jr.
Ayon sa alkalde, may isinumite na silang apela sa Kongreso upang tanggaling miyembro ng Kamara si Teves.
“Meron pa po kaming ibang sinusulong sa Kongreso. Sana suportahan din ng Kongreso ‘yung amin talagang nire-request, ” anang alkalde.
Sinabi ni Mayor Janice na suportado rin niya ang panawagan ng mga mambabatas sa pagpapauwi sa Pilipinas kay Teves upang harapin ang mga alegasyon laban sa kanya partikular ang pagpatay sa gobernador.
Si Teves ay itinuro ng dalawang naarestong suspek na sina Joric Labrador at Benjie Rodriguez, kapwa mga dating sundalo na isang nagngangalang Teves ang umano’y nag-utos sa kanila na likidahin si Governor Degamo.
Napatay si Degamo sa kanyang bahay sa Brgy. San Isidro, Pamplona, Negros Oriental noong Marso 4 habang namamahagi ng 4Ps. Bukod sa gobernador walong iba pa ang namatay at 17 ang sugatan.
Mariin namang itinanggi ni Teves ang mga alegasyon.
Magkatunggali sa pulitika ang mga Degamo at Teves.
Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police na wala pa ring paramdam sa kanila si Teves para sa pagbibigay nila ng seguridad sa pagbabalik nito sa bansa.
Tiniyak ng PNP na handa silang ibigay ang nararapat na seguridad kay Teves.
Pebrero 28 nang umalis sa bansa si Teves at hanggang Marso 9 lamang ang bakasyon nito.
Hanggang sa ngayon hindi pa bumabalik ng bansa ang kongresista. (Daris Jose)
-
Mansion ni Thompson sa LA, ibinebenta
Inanunsyo ni Cleveland Cavaliers star Tristan Thompson na ibinebenta na nito ang kanyang mansion. Ayon kay Thompson, nagkakahalaga ang kanyang ibinebentang Encino Mansion ng $8.5 million. Base sa ulat, tumaas ang halaga ng mansion ng $2 million mula ng mabili niya ito noong nakaraang taon ang 10,000 square foot farmhouse style na bahay. […]
-
Pasahe sa barko, gawing abot-kaya
KASALUKUYANG naghahanap ng paraan ang Department of Transportation (DOTr) para mabigyan ang mga pasaherong sumasakay ng barko ng “affordable price” para sa kanilang pasahe. Sa Laging Handa public briefing, tinuran ni DOTr Secretary Jaime Bautista na base na rin ito sa naging kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos na gawing abot kaya ang […]
-
Utang ng bansa, lumobo pa sa P15.35T
INIULAT ng Bureau of Treasury na lumobo pa ang utang ng Pilipinas sa P15.35T as of May ng kasalukuyang taon. Ayon sa ahensya, ang kabuuang utang ay tumaas ng P330.39 bilyon o katumbas ng 2.2 percent sa katapusan ng April 2024. Ito ay dahil na rin sa epekto ng […]