• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teves, ‘pinaka-utak’ sa Degamo slay – DOJ

ITINURO na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.na siyang pangunahing ‘utak’ sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo.

 

 

Habang ang nadakip na isa pang ‘utak’ na si ex- military reservist Marvin Miranda na kung baga sa pelikula ay siyang nagsilbing ‘direktor’ sa naganap na krimen.

 

 

Sa press conference sa Camp Crame, inihalintulad ni Remulla ang papel ni Miranda na ‘casting director/director’ sa pagpaslang kay Degamo, habang si Teves na nasa ibang bansa nang panahong iyon ay itinuro naman niya na siyang ‘executive producer’.

 

 

“Kung sa sine, Cong. Teves is the executive producer and producer and he (Miranda) is the director and casting director,” ayon kay Remulla.

 

 

Si Miranda umano ang itinuro ng ibang mga suspek na siyang nag-recruit, nangontrata sa kanila at humagilap ng mga armas.

 

 

Sa akusasyon ng ‘warrantless arrest’, iginiit ni Remulla na ang pagkakadakip kay Miranda ay resulta ng ‘hot pursuit ope­ration’ dahil sa pinaghahanap ang suspek mula noon pang Marso 4, na siyang araw ng pagpaslang sa mga biktima.

 

 

Idinitalye naman ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, Jr. ang relasyon ni Miranda at ni Congressman Teves.

 

 

Lumilitaw na matagal nang naninilbihan bilang security at bodyguard ni Teves si Miranda.

 

 

Sabi ni Abalos, napaka­halaga ang naging papel ni Miranda sa pagpaplano gayundin sa mismong pagpatay kay Degamo, lalo at malakas ang ugnayan nito kay Rep. Teves.

 

 

Dagdag pa ni Abalos, na sumusunod si Miranda sa tinatawag niyang “boss idol, big boss o kalbo” na siyang sumagot aniya ng material support sa pagpatay kay Degamo.

 

 

Sa kasalukuyan ayon kay Abalos, nasa 12 nang mga suspek sa pagpatay kay Degamo ang accounted, at 11 dito ang hawak na ng National Bureau of Investigation habang isa naman ay napatay sa follow-up operations.

 

 

Pagbubunyag pa ni Abalos, nakapangalan din kay Rep. Teves ang isa sa mga baril na nakumpiska sa isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa HDJ Compound, na pagmamay-ari naman ng kapatid ng mambabatas na si dating Negros Gov. Pryde Henry Teves.

 

 

Kasalukuyang sinusuri pa ng DOJ ang testimonya ni Miranda na kumuha umano ng abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) at hindi isang pribadong abogado.

 

 

Una nang inihayag ni Remulla noong nakaraang Biyernes na nadakip nila sa labas ng Negros Oriental ang isa sa ‘main player’ sa pagpaslang kay Degamo. Dahil sa pagkakadakip na ito, itinuturing niya na ‘99%’ nang solved ang kaso.

 

 

Nananatiling nasa ibang bansa ang kongresista dahil sa umano’y panganib sa kaniyang buhay. Una na ring itinanggi ni Teves ang akusasyon laban sa kanya. (Daris Jose)

Other News
  • Mga POGO workers, pinaalalahanan sa year end deadline

    NAGPAALALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa mandato ng gobiyerno hinggil sa deadline na pag-alis nila sa bansa sa katapusan ng taon.     Binigyan diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na madaliin ito dahil mayroon na lamang 31 na araw ang mga dayuhan […]

  • Kalituhan sa payment scheme, sanhi ng trapik sa Skyway 3

    Ang kalituhan sa payment scheme o paraan ng pagbabayad ng toll ang naging sanhi nang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Skyway Stage 3 noong Lunes.     Ayon kay Manuel Bonoan, pangulo at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp., ang masikip na daloy ng trapiko ay nagsimula sa unang araw nang […]

  • Andy Muschietti Reveals ‘The Flash’ Official Logo, Teases First Day of Production

    THE Flash is finally headed to production under the helm of horror director Andy Muschietti, who announced the first day of filming with a flashy title treatment via his Instagram account.     Check out Muschietti’s original Instagram post below: https://www.instagram.com/p/CN2nqn9gnaB/?utm_source=ig_web_copy_link     The Ezra Miller-led project will see the scarlet speedster helm his own film in a reality-bending story inspired […]