• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TEXT SCAMS NAILALAGAY SA PANGANIB ANG RIGHT TO PRIVACY NG MGA PILIPINO

HINDI matutuldukan ng SIM card registration bill ang text scams kundi mailalagay pa umano sa panganib ang right to privacy ng mga Pilipino.

 

 

Inihayag ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na isang seryosong banta sa mahinang estado ng data privacy at sa komunikasyon sa Pilipinas ang ratipikasyon ng senado at kamara sa bicameral reports sa Sim Card Registration Bill.

 

 

“This SIM card registration bill, which is now to be transmitted in the Office of the President for signature, puts forward a lopsided presumption that all Filipinos are considered as potential criminals and evading the law unless registered as SIM card holders,” ani Brosas.

 

 

Ayon sa mambabatas, wala umanong kasiguraduhan na kapag nirehistro ng lahat ang kanilang SIM cards ay matitigil na ang mga spam messages at trolls dahil sa totoong buhay, may mga malalaking tao na nakikinabang dito.

 

 

Sinabi pa ni Brosas na ang lahat ng personal information na irerehistro sa sim cards ay ipapadala sa public telecommunications entity na lalo umanong magbubukas sa kanilang private data sa cyberattacks, spam, at scam.

 

 

“Yung mga natatanggap natin ngayon na spam at scam messages, mas lalo pa yang dadami kapag nalikom na sa isang database kung saan nakalagay ang lahat ng personal information ng sim card holders,” pahayag nito.

 

 

Ngayon pa lang aniya ay hindi na maresolba ang cyberattacks at data breach, paano pa pag nasa kamay na ng PTEs ang data ng konsyumers.

 

 

Ang dapat umanong unahin ng gobyerno ay ayusin ang implementasyon ng kasalukuyang data privacy measures.

 

 

Idinagdag ni Brosas na nagagamit umano ang rehistradong personal information ng mga kritiko sa surveillance at pag-atake.

 

 

“We cannot entrust our data to state security forces notorious for using critics’ personal information to harass and vilify them. We call on the Marcos Jr. administration to veto the bill and uphold the Filipinos’ right to communication,” pagtatapos ni Brosas. (Ara Romero)

Other News
  • Ex-Top 3 cop ng PNP na si PLTGEN Santos Jr. na dawit umano sa 990KG drug haul, iginiit na inosente siya sa naturang mga alegasyon

    IGINIIT  ni dating PNP Deputy Chief for Operation na si PLGEN Benjamin Santos Jr. na siya ay inosente at walang kinalaman sa mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya na may kaugnayan sa ilegal na droga.     Ito ay matapos na makaladkad ang kaniyang pangalan sa kaso ng 990 kilo ng shabu na nasabat mula […]

  • Mga bagong botanteng nagparehistro, halos 8M na– Comelec

    Patuloy ang paghimok ng Commission on Elections (Comelec) sa mga nais bumoto sa 2022 national at local elections na samantalahin na ang huling tatlong linggo ng Oktubre para magparehistro.     Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, kasunod na rin ito ng pagpapalawig sa voter registration na magtatapos na sana noong Setyembre 30.     […]

  • DepEd, suportado ang pagpapatuloy ng work immersion para sa mga SHS students

    SUPORTADO ng Department of Education (DepEd) ang “reintroduction” ng physical work immersion sa gitna ng nagpapatuloy na progressive expansion ng face-to-face classes.     Ang pagsasagawa ng onsite work immersion para sa senior high school (SHS) students, na isang required subject para sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track, ay sinuspinde sa panahon ng COVID-19 pandemic.     […]