• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thankful at nawindang ng bongga sa pagpayag na mag-guest: ICE, inaming malakas ang loob na mag-ala-REGINE ‘pag lasing

INISA-ISA nga ng OPM icon na si Ice Seguerra sa kanyang sunud-sunod na Facebook at Instagram post ang mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap na ngayong October 15 sa The Theater at Solaire.

 

 

Para kasi sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na makasama ang mga OPM icons na tulad din niya, na iniidolo talaga sa music industry.

 

 

Sa kanyang post, may kuwento si Ice at pasasalamat sa magiging bahagi ng kanyang first major concert in ten years at first time din siyang magpi-perform bilang ‘Ice Seguerra’.

 

 

Nauna naman siyang nagbigay ng pa-tribute kina Martin Nievera at Gary Valenciano. Maging kay Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, at iba pa mang-aawit na kanyang hinangaan at naging kaibigan na rin.

 

Pero hindi nga makukumpleto ang listahan kung wala ang Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid, na walang kaabog-abog na pumayag na mag-guest.

 

Say ni Ice, “I grew up listening to Ate Reg’s music. Sino ba namang hindi, di ba? Pinipilit kong abutin yung mga high notes niya nung bata ako. Kaso, wala talaga eh. Kaya kapag lasing ako at may lakas ng loob, sa bidyoke ko talaga kinakanta yung mga songs niya. Doon ko lang nailalabas ang inner Regine ko pero never kong kinanta during a gig, kasi baka batuhin ako ng mga tao dahil pipiyok ako to the max.

 

“I’ve always looked up to her coz she’s the kind of artist who really brings out the best sa mga kasama niya. Whether on stage or backstage, hindi niya ipaparamdam sa iyo na siya si Regine. Itataas ka pa niya at papalakasin ang loob mi. Pero pramis, pag siya talaga kasama ko mag perform, grabe ako mag aral ng kanta. Haha!”

 

Dagdag pa niya, “Kaya when she easily said yes to joining me on stage for #BecomingIce, na windang ako ng bongga. And yes, maglalakas loob akong kantahin ang mga kanta niya so please, be kind to me guys.

 

“Ate Reg, you’ve remained to be an inspiration not just to me but to countless artists. Hindi lang dahil sa talento mo pero dahil sa kung sino ka bilang tao. Thank you for saying yes to me.”

 

Of course, makakasama rin ni Ice ang nakapa-special na tao sa kanyang buhay, ang tatay-tatayan na si Bossing Vic Sotto.

 

Panimula sa kanyang post, “Si Tito Vic…

 

“Hindi ko alam kung paano ko sisimulan kasi ang dami kong gustong sabihin. I literally grew up alongside this man. Mula Little Miss Philippines ngayon, yung pagmamahal niya sa akin hindi nagbago.

 

“Our relationship far exceeded what you saw on television. Pakiramdam ko, tatay ko talaga siya. Noong bata ako, sa bahay niya ako nag spend ng weekends kasama ng iba niyang kids.”

 

Pagbabalik-tanaw pa ni Ice, “He taught me how to play the guitar during breaks ng taping ng Ok Ka Fairy Ko, siya rin nagturo sa akin mag Tong its (para daw may kalaro siya).

 

“Sa kanya rin ako natuto ng style pagdating sa girls. Tahimik, disimulado, patingin tingin lang. Hahaha!
“I watched him kung paano siya sa trabaho. Despite him being a big star, isa lang ang kasama niya sa shoot. Nasa mess hall lang, nakikipagkwentuhan kahit kanino. Parating maaga sa set, never kami pinaghintay. Walang arte, walang yabang. And most importantly, he knows how to take care of us. Grabe siya mag-alaga.”

 

Pasasalamat pa well-loved singer-songwriter sa local industry, “I’m blessed na si Tito Vic ang nakasama ko mula bata pa lang. I will always look up to him as one of my mentors, and I will always love and respect him like a father.
“I love you, Tito Vic. Thank you for saying yes to celebrating my 35th year with me on Becoming Ice.”

 

At sa mga wala pang ticket, call sa Ticketworld (02-8891-9999) or visit premier.ticketworld.com.ph. (Ang ticket prices ay ang mga sumusunod: SVIP – 6,100, VIP – 5,000, GOLD – 4,750, LOWER BOX – 3,350 at UPPER BOX – 2,250)

 

Ang naturang concert ay produced ng Fire and Ice Media Productions, Inc. and in cooperation of Nathan Studios.
Kitakits sa October 15, Saturday, 8pm.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Anak ng mag-asawang mambabatas, nag file na ng COC sa Malabon

    SASABAK na rin sa larangan ng pulitika upang makapaglingkod sa mga Malabonians ang anak nina Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel at An-Waray Party-list Rep. Florencio “Bem” Noel na si District 1 Councilor Regino Federico “Nino” Noel, 28.     Kasama ang buong pamilya, pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy sa local Commission on Elections […]

  • HEART, nagsimula na ng lock-in taping kasama si PAOLO sa Sorsogon after ng required quarantine days

    TULOY na tuloy na ang world premiere ng Legal Wives sa Monday, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.     Marami na ring naghihintay kung kasama pa rin si Ms. Cherie Gil sa story kahit hindi na nito tinapos ang family series tungkol sa mga Mranaw.     Naroon pa […]

  • US inaprubahan na ang $100-M missile upgrades ng Taiwan

    INAPRUBAHAN ng US ang $100-milyon na missile upgrades sa Taiwan.     Ayon sa Pentagon na ang nasabing pag-upgrade ng Patriot missile defense system ng Taiwan ay malaking tulong lalo na ang pagtanggol nila kanilang teritoryo na balak na lusubin ng China.     Ikinagalit naman ng China ang nasabing pagtulong ng US sa Taiwan. […]