Thankful kay Direk Ruel na pinayagang mag-audition: GLAIZA, ‘di inakala na tatagal nang dalawang dekada sa showbiz
- Published on May 11, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI nga raw inakala ni Glaiza de Castro na tatagal siya nang dalawang dekada sa showbiz at ang pangako niya na makatulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagpasok sa showbiz ay natupad niya.
Nagsimula si Glaiza sa 2001 film na ‘Cool Dudes 24/7’. Muntik na raw siyang hindi mapasama sa movie dahil late siyang dumating sa audition nito.
“Thankful ako kay Direk Ruel Bayani kasi kung hindi niya ako pinagbigyan na mag-audition, malamang wala ako ngayon sa showbiz.
“Late na kasi naming natanggap ‘yung message tungkol sa audition. Naawa na lang sa akin si Direk Ruel kaya pinayagan niya akong mag-audition,” pagbalik-tanaw ni Glaiza.
Sa buong cast ng Cool Dudes, si Glaiza ang hindi inaasahan na tatagal sa showbiz. Yung ibang kasama sa movie, bukod kay James Blanco (na active na active pa rin) na sina Cogie Domingo, Angeline Aguilar, Jemalene Estrada at Danilo Barrios ay hindi nagtagal sa showbiz.
Dahil ang hinangad noon ni Glaiza ay ang makatulong sa kanyang pamilya at hindi ang sumikat, bumuhos ang blessings sa kanya at ngayon ay masasabi niyang kumportable na ang buhay ng kanyang pamilya.
“Yung wish ko noon na mabigyan ang pamilya ko ng magandang buhay, nagawa ko iyon at hanggang ngayon, kahit na may asawa na tayo, tuloy pa rin ang pagtulong ko sa kanila,” sey ni Glaiza na muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime via ‘The Seed Of Love’.
***
PARA sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ grand winner na si Lyka Estrella, may mga plano na raw siya para sa mga premyo na natanggap niya.
Kabilang na rito ang P1 million cash, a recording contract with ABS-CBN Music, talent management contract with Polaris of Star Magic, at brand new house and lot worth P2.5 million.
Una raw naisip ni Lyka ay ang magkaroon ng business para sa kanyang pamilya para meron daw silang steady income.
“Ang unang-una kong gagawin ko sa prize ay magbi-build ako ng business kasi ‘yung life natin is up and down,” sey ni Lyka na binigyan ng bonggang welcome sa ‘ASAP Nation ‘To’ noong nakaraang Linggo.
Nagkaroon na rin daw ng panahon si Lyka na makasama ang pamilya na mag-celebrate ng kanyang pagkapanalo. Pinasalamatan din niya ang mga taong hindi nagsawang suportahan siya sa simula pa lang ng ‘TNT’ journey niya sa noontime show na ‘It’s Showtime’.
“Sa mga fans ko, sa mga supporters ko, thank you so much everyone. I love you and sana magkita-kita tayo soon,” sey pa ni Lyka na pinaplano na rin ang homecoming niya sa General Santos City.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Seal of Good Local Governance muling nakamit ng Navotas
MULING nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakaaasam na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), sa ikalimang pagkakataon. Personal na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at City Administrator Christia Padolina, ang parangal sa Manila Hotel. […]
-
Transport groups atras muna sa taas pasahe
UMATRAS na ang iba’t ibang transport groups sa hiling nila na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan na nagrereklamo sa serye ng taas sa halaga ng petroleum products. Ito ay makaraang makumbinsi ng Department of Transportation ang mga opisyal ng transport groups na Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and […]
-
PhilHealth, inilunsad na ang COVID-19 vaccine indemnification
Inilunsad na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang indemnification package sa mga makakaranas ng seryosong side effect matapos makatanggap ng COVID-19 vaccine. Ang indemnification o bayad danyos ay isa sa mga probisyon ng COVID-19 Vaccination Program Act (Republic Act No. 11525). Layunin nito na bigyan ng tulong pinansyal ang mga […]