• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thankful sa naging suporta ng taga-Cabanatuan: BEAVER, pinakilig nang labis si MUTYA pati na rin si MAXINE

SUPER successful ang ginanap na red carpet premiere ng ‘When Magic Hurts’ na pinagbibidahan nina Beaver Magtalas, Maxine Trinidad at Mutya Orquia sa NE Pacific Mall, Cabanatuan City.

 

 

 

Maaga pa lang ay dumagsa na ang mga tao para manood ng pelikula na may 3 pm screening sa three cinemas, bukod sa celebrity screening at 6 pm.

 

 

 

May pa-mall show naman sa ground floor ng mall, na marami rin tao na naghihintay para masilayan ang cast ng movie headed by Beaver, Maxine and Mutya.

 

 

 

Sumuporta naman sina Dennis Padilla, Angelica Jones at Claudine Barretto, kaya tuwang-tuwa ang mga tao.

 

 

 

Masayang-masaya rin ang mga magulang ni Beaver na sina Mr. Alvin and Filipina Magtalas, dahil sa pangmalakasang suporta ng mga taga-Cabanatuan.

 

 

 

At tulad nang inaasahan maganda at postibo ang mga naging mga nakapanood sa dalawang screenings na punum-puno talaga ang tatlong sinehan. Nagpapalakpakan, nagtatawanan, at ramdam na ramdam ang kilig lalo na sa mga eksena nina Beaver at Mutya na gumaganap na Ernest at Olivia.

 

 

 

Samantala, aminado naman si Mutya na may mga gesture si Beaver na nagpapakilig sa kanya.

 

 

 

“Last time kasi, off camera ito, na na-appreciate ko talaga ang ginawa niya.

 

 

 

“Huwag kang tumawa, para naman tayong nagpa-prank dito, eh. Hahahaha!

 

 

 

“Noong ano, nagbigay siya ng flowers,” pagbabahagi ni Mutya.

 

 

 

Say naman ni Beaver, “Actually, bad trip ako noong time na `yon. Online delivery po kasi `yon. Dapat po malaki `yung binili ko. Dumating sa akin, ibang version, ‘yung mas maliit.

 

 

 

“Sabi ko, ibibigay ko pa ba o hindi na?”

 

 

 

“Random po kasi talaga `yon. Ang tagal na kasi naming magkasama, tapos bigla siyang umalis, then, binigay niya. Sabi ko, ‘Uy, ano `yan?’ Hahahaha!” sabi naman ni Mutya.

 

 

 

Tugon naman ng bagitong aktor,

 

 

 

“I went to my room, to grab the flowers, kaya ‘yun.”

 

 

 

Maging si Maxine ay pinakilig din Beaver.

 

 

 

“Lagi kaming nagkikita, kasi promo po ng movie namin, ‘yung mga gesture niya po, like ‘Oh kumain ka na’ or ‘Okey ka lang ba?’ ‘yung mga ganun, nakakatuwa po talaga sa kanya,” pag-amin naman ni Maxine.

 

 

 

Excited na kaming muling panoorin sa May 22, at sure kami na magugustuhan din ninyo sa location ng ‘When Magic Hurts’ na kinunan sa Atok flower farm sa Benguet.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • E-tap Loading Kiosks available na sa LRT1

    Ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang private operator ng Light Rail Transit Line 1 ay naglagay ng mga e-tap loading kiosks sa mga stations bilang bahagi ng pagbibigay ng mas ligtas at kumbienteng paglalakbay ng mga pasahero.     Mayron 65 na e-tap loading stations ang nailagay sa mga LRT 1 stations mula […]

  • DOTr: Completion ng Edsa Busway malapit na

    Dumating na ang karagdagang concrete barriers upang gagamitin sa EDSA Busway na ilalagay sa dedicated na lane para sa mga buses.   Simula noong July 18 ay nagsimula ng magdatingan ang mga concrete barriers na ilalagay sa inner lane ng EDSA upang mas maging mabilis ang travel time ng mga commuters.   “The continuous development […]

  • BANGKAY NATAGPUAN SA NASUNOG NA VESSEL

    NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kung ang bangkay na natagpuan sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na cargo vessel ay kabilang sa mga naiulat na nawawalang tripulante  sa Delpan Bridge sa Maynila.      Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, hindi na makilala ang bangkay kaya naman  nakipag-ugnayan pa ang coast […]