• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thirdy Ravena namamaga ang tuhod

Panibagong dagok na naman ang tumama kay Thirdy Ravena matapos magtamo ng injury sa tuhod dahilan upang hindi na naman ito masilayan sa aksiyon sa Japan B.League.

 

 

Na-diagnose ang 6-foot-3 dating Ateneo de Manila University standout na may namamagang tuhod sa kaliwa na nakuha nito sa laro ng San-en NeoPhoenix at Ryukyu noong Abril 14.

 

 

Dahil dito, hindi muna makalalaro si Ravena base sa statement na inilabas ng San-En.

 

 

“He will miss this round due to an injury on his left knee. Although it is a difficult situation, we appreciate your support,” ayon sa statement ng San-En.

 

 

Nauna nang nagkaroon ng coronavirus disease (COVID-19) si Ravena noong nakaraang taon na dahilan para ma-quarantine ito ng ilang linggo.

Other News
  • Mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad, magbubukas para sa isasagawang job fair kasabay ng Labor Day

    AABOT sa mahigit 64,000 job vacancies sa bansa at abroad ang magbubukas kasabay ng pagdiriwang ng Labor day sa Mayo 1.     Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nasa kabuuang 52,237 trabaho para sa local employment habang nasa 12,248 job vacancies naman sa iba’t ibang bansa.     Ilan sa pangunahing bakanteng […]

  • PUBLIKO PINAG-INGAT SA ONLINE SCAM

    KINUMPIRMA ng Philippine postal office o Philpost na isang scam ang isang quiz game na umiikot ngayon sa social media.     Sa post ng ahenya sa kanilang official page, binalaan nito ang publiko at sinabing hindi namimigay ng financial aid ang Philpost.     Dagdag ng ahensya maaaring magkaraon ng access ang mga scammers […]

  • House nais ipasagot na rin dialysis meds sa PhilHealth

    INATASAN ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis  ng mga diabetic patients.     Ayon kay House ­Deputy Majority Floor leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso para mabawasan o tuluyan ng malibre ang gamot ng mga […]