• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Thirdy Ravena, prayoridad pa ring makapaglaro sa Gilas kahit sa Japan na maglalaro

Hindi pa rin binibitawan ni dating Ateneo Blue Eagles star player Thirdy Ravena na mapabilang sa Gilas Pilipinas.

 

Ito ang kinumpirma ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, kahit na kinuha na siya na maglaro sa isang koponan ng Japan Basketball League.

 

Si Ravena kasi ang kauna-unang Filipino na pumirma at maglaro sa first division ng Japan Basketball League na isang professional league.

 

Dagdag pa ng SBP president na prayoridad pa rin ni Ravena ang pagiging bahagi ng Gilas Pilipinas.

 

Napabilang kasi si Ravena na naglaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang taon at bahagi rin siya sa first window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers noong Pebrero.

Other News
  • ‘Conscience vote’ sa divorce bill lalarga sa Senado

    SINIGURO ni Senate President Chiz Escudero na paiiralin sa Senado ang “conscience vote” pagdating sa pagboto sa panukalang diborsyo sa Pilipinas.       Ayon kay Escudero, ang magiging posisyon ng Senado sa divorce bill ay conscience at personal vote at ibabatay sa kung ano ang kanya-kanyang paniniwala at relihiyon ng bawat senador.     […]

  • 3 natagpuang patay sa ginagawang bahay

    NATAGPUANG wala ng buhay sanhi ng mga saksak sa katawan ang tatlong katao, kabilang ang dalawang nursing graduate at isang estudyante sa isang ginagawang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ang mga biktima na sina Arjay Belencio y Sarmiento, 22, estudyante; Glydyl Belonio y Mamon, 23, nursing graduate; at Mona Ismael habibolla, […]

  • Fireworks pumawi sa lumbay sa halos bakanteng Olympic Stadium sa closing ng 2020 Summer Games

    Katulad nang binuksan ang 2020 Tokyo Olympics, halos bakante rin ang stadium na pinasukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang kalahok na bansa para sa pagtatapos ng Summer Games.     Ito ay dahil nilimitahan pa rin ang mga pinapapasok sa Olympic Stadium bunsod ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).     Gayunman, pumawi […]