Thompson inspirasyon Si Norwood
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
Humakot ang Barangay Ginebra ng parangal sa katatapos na PBA Awards Night noong Linggo na matagumpay na idinaos via online streaming.
At isa sa mga nakatanggap ng pagkilala si Scottie Thompson na ginawaran ng Samboy Lim Sportsmaship Award.
Nakalikom si Thompson ng 2,360 puntos kung saan naungusan nito si CJ Perez ng Terrafirma na nagtala ng 2,069 puntos.
Masaya si Thompson sa award at itinuring nitong inspirasyon si Gabe Norwood na nagmamay-ari ng naturang parangal sa loob ng tatlong sunod na taon — mula 2017 hanggang 2019.
“Just following the footsteps ni kuya Gabe (Norwood) for playing the game the right way. Sobrang happy and truly blessed all the time that were playing the game the right way,” ani Thompson.
Ibinahagi ni Thompson ang kanyang award sa iba pang kandidato gaya nina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters.
“Lahat naman kaming naging nominee sobrang deserving. I think for me hindi madali itong Sportsmanship Award para makuha ko ito,” ani Thompson.
Mapapasama ang Sportsmanship Award sa listahan ng kanyang mga tropeo sa kanyang professional basketball career.
-
Ads March 29, 2025
-
Dahil sa pinagsasabi niya habang nasa Kakampinks rally: MELAI, pinagbantaan kasama ang mga anak kaya umaapela na mahanap ang BBM supporter
MAY bagong album si Ronnie Liang which he recorded para sa 125th Founding Anniversary ng Philippine Army. has 12 songs at isa rito ay may titulong ‘Para sa Kapayapaan’ which has a matching music video. Ang mga awitin na nakapaloob sa album were composed by the soldiers themselves. The songs […]
-
PORTASOL: Rain or Shine Drying Partner
ANG pagpapatuyo sa araw ay isa sa mga pangkaraniwan at tradisyonal na pamamaraan ng pagpapanatili ng pagkain sa Pilipinas. Bagaman ang gastos ng proseso ay medyo mura, ang pagpapatuyo sa araw ay nagiging problema sa panahon ng tag-ulan. Gayundin, ang mga produktong pinatuyo sa araw ay mas madaling kapitan ng kontaminasyon sa mikrobyo dahil sa […]